Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Sinisiguro ng Mabuting Kalusugan ang Maingat na Ugali,14 Hunyo
Sapagkat panunumbalikin ko sa iyo ang kalusugan, at pagagalingin ko ang iyong mga sugat, sabi ng Panginoon. Jeremias 30:17. LBD 170.1
Di-madalas na nagagasgas o nasisira ang isip dahil sa masigasig na pagtatrabaho at mabigat na pag-aaral, kundi dahil sa pagkain ng diwastong pagkain at sa di-tamang panahon, at dahil sa pagwawalang bahala sa mga batas ng kalusugan. . . . Nagpapahina ng kapangyarihan ng utak ang di-regular na oras ng pagkain at pagtulog. Ipinahahayag ni apostol Pablo na dapat maging mapagpigil sa lahat ng bagay siyang magtatagumpay sa pag-abot sa isang mataas na pamantayan ng kabanalan. May direktang epekto sa pag-unlad ng ating espirituwalidad ang pagkain, pag-inom, at pananamit.— The Youth’s Instructor, May 31, 1894. LBD 170.2
Ang kalusugan ay isang pagpapalang iilan lamang ang nagpapahalaga. . . LBD 170.3
. Marami ang kumakain sa lahat ng panahon, na di-iniintindi ang mga batas ng kalusugan. Pagkatapos ay sinasakop ng lungkot ang isipan. Paano mapararangalan ang mga tao ng banal na kaliwanagan kung wala silang ingat sa kanilang mga gawi, na hindi pinapansin ang liwanag na ibinigay ng Diyos tungkol sa mga bagay na ito. . . . Isang banal na tungkulin ang buhay, na ang Diyos lamang ang makapagbibigay-daan sa atin upang mapanatili, at gamitin para sa Kanyang kaluwalhatian. Ngunit Siyang gumawa ng kahanga-hangang istraktura ng katawan ay gagawa ng espesyal na pag-aalaga upang panatilihin itong maayos kung di-gagawa ang mga tao ng kakaiba sa layunin Niya.— The Review and Herald, June 20, 1912. LBD 170.4
Resulta ng pagsunod sa mga pisikal na batas na namamahala sa ating mga katawan ang kalusugan, buhay, at kaligayahan. Kung ayon sa kalooban at pamamaraan ng Diyos ang ating kalooban at pamamaraan; kung gagawin natin ang kasiyahan ng ating Manlilikha, pananatiliin Niya ang katawan ng tao sa mabuting kalagayan, at ibabalik ang mga kapangyarihan moral, mental, at pisikal, upang makagawa Siya sa pamamagitan natin para sa Kanyang kaluwalhatian. . . . Kung nakikipagtulungan tayo sa Kanya sa gawaing ito, ang kalusugan at kaligayahan, kapayapaan at pagiging kapakipakinabang, ang tiyak na magiging bunga.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, p. 1118. LBD 170.5
Hindi Siya namatay para sa atin upang maging mga alipin tayo ng masasamang gawi, kundi upang tayo ay maging mga anak na lalaki at anak na babae ng Diyos, na naglilingkod sa Kanya sa bawat lakas ng pagkatao.— Child Guidance, p. 399. LBD 170.6
Mga mahal kong kabataang kaibigan, sumulong kayo ng magkakasunod na hakbang, hangga’t maging kaayon ng mga batas ng buhay at kalusugan ang lahat ng inyong mga gawi.— The Youth’s Instructor, September 24, 1907. LBD 170.7