Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Sa Pamamagitan ng Pag-iingat sa Buhay na Makinarya.,13 Hunyo
Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay mapabuti ka at magkaroon ng kalusugan, kung paanong nasa mabuti ring kalagayan ng iyong kaluluwa. 3 Juan 1:2. LBD 169.1
Pinakamahalagang aral na maaaring matutuhan ang tamang paggamit ng sarili. Hindi tayo dapat gumawa lamang sa pamamagitan ng utak, at tumigil doon, o magkaroon ng gawaing pisikal, at huminto doon; dapat nating gamitin ang pinakamainam na paggamit ng iba’t ibang bahagi na bumubuo ng makinarya ng tao,—utak, buto, kalamnan, ulo, at puso.— The Youth’s Instructor, March 31, 1898. LBD 169.2
Kasama ng buong lupon ng mga obligasyon sa sarili, sa mundo, at sa Diyos ang tamang paggamit ng sarili. Pagkatapos ay gamitin ang mga pisikal na kapangyarihang kapantay ng kapangyarihan ng kaisipan. Tumatanggap ang bawat aksyon ng kalidad nito mula sa motibong nagpapakilos nito, at kung hindi mataas, at dalisay, at mapagbigay, ang mga motibo, hindi magiging balanse ang isip at karakter kahit kailan man. . . . LBD 169.3
Kayo ay sa Panginoon; sapagkat nilikha Niya kayo. Kayo ay Kanya sa pa-mamagitan ng pagtubos; sapagkat ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa inyo. . . . Ingatan ang bawat bahagi ng buhay na makinarya, upang magamit ninyo ito para sa Diyos. Ingatan ito para sa Kanya. Nakasalalay ang inyong kalusugan sa tamang paggamit ng inyong pisikal na organismo. Huwag ninyong gamitin sa mali ang anumang bahagi ng inyong mga kapangyarihang ibinigay ng Diyos, ang pisikal, mental, at moral. Ang lahat ng inyong mga gawi ay dapat ipailalim sa kontrol ng isang isip na mismong nasa ilalim ng kontrol ng Diyos. LBD 169.4
Kung lumaki sa lubos na katayuan ni Cristo Jesus ang mga kabataang lalaki at kabataang babae, dapat nilang pakitunguhan ang kanilang sarili nang may katalinuhan. . . . Ang hindi mabuting gawi anuman ito—pagpupuyat sa gabi, tanghali nang magising sa umaga, at mabilis na pagkain—ay dapat na pagtagumpayan. Nguyain nang mabuti ang inyong pagkain. Huwag magmadali sa inyong pagkain. Dapat na magkaroon ng maayos na bentilasyon ang inyong silid sa araw at gabi, at magsagawa ng kapakipakinabang na gawaing pisikal. . . . Sa maayos na paggamit ng ating mga kapangyarihan sa kanilang buong makakaya sa pinakamahalagang gawain, sa pagpapanatiling malusog ang bawat organo, sa pag-ingat ng bawat organo upang ang isip, litid, at ang kalamnan ay gumawang magkakasundo, maaari nating gawin ang pinakamahalagang paglilingkod sa Diyos.— The Youth’s Instructor, April 7, 1898. LBD 169.5