Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

165/367

Kalusugan at Kaligayahan sa Labas ng Bahay, 12 Hunyo

O Panginoon, napakarami ng iyong mga gawa! Sa karunungan ay ginawa mo silang lahat, ang lupa ay puno ng iyong nilalang. Awit 104:24. LBD 168.1

Magkakaroon ng pagnanais na maging dalisay at walang pandaraya mula sa buhay sa labas ang mga kalalakihan, kababaihan, at mga bata. Sa pamamagitan ng impluwensyang nagpapalakas, nagpapasigla, nagbibigay-buhay na katangian ng dakilang medikal na yaman ng kalikasan, pinalalakas ang mga gawain ng katawan, ginigising ang isip, pinasisigla ang imahinasyon, at pinasasaya ang diwa. Handa ang isip na pahalagahan ang mga kagandahan ng Salita ng Diyos.— Manuscript 153, 1903. LBD 168.2

Mayroong kalusugan at buhay ang dalisay na hangin. Habang nilalanghap ito, mayroon itong epektong nakapagpapalakas sa buong sistema.— Manuscript 153, 1903. LBD 168.3

Sa sarili nito, nagdadala ang kagandahan ng kalikasan sa kaluluwa palayo sa kasalanan at atraksyon ng mundo, at patungo sa kadalisayan, kapayapaan, at sa Diyos. LBD 168.4

Dahil dito mabuting gawa para sa mga bata at kabataan ang pagbubungkal ng lupa. Dinadala sila sa direktang pakikipag-ugnayan sa kalikasan at sa Diyos ng kalikasan. . . . Sa kinakabahang bata o kabataan, . . . lalong mahalaga ito. May kalusugan at kaligayahan para sa kanya sa pag-aaral ng kalikasan; at hindi mawawala sa kanyang isip ang mga impresyong nagawa, sapagkat patuloy na maiuugnay ang mga ito sa mga bagay na laging nasa harap ng kanyang mga mata. LBD 168.5

Sa natural na mundo, inilagay ng Diyos sa mga kamay ng mga anak ng tao ang susi upang buksan ang kabang-yaman ng Kanyang salita. Isinalarawan ng nakikita ang di-nakikita; naiintindihan ng mga bagay na ginawa ng Diyos ang banal na karunungan, walang-hanggang katotohanan, walang-hanggang biyaya. . . . Ginawang maganda ng Diyos ang mundong ito dahil nalulugod Siya sa ating kaligayahan.— Counsels to Parents, Teachers, and Students, pp. 186-188. LBD 168.6

Upang magkaroon ng kalusugan, kagalakan, kasiglahan, at malusog na kalamnan at katalinuhan ang mga bata at kabataan, dapat na mas matagal sila sa sariwang hangin, at kontroladong trabaho at libangan.— Counsels to Parents, Teachers, and Students, p. 83. LBD 168.7

Matatagpuan ang tunay na kaligayahan, hindi sa pagpapasasa ng kayabangan at karangyaan, kundi sa pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga nilikha.— Patriarchs and Prophets, p. 49. LBD 168.8