Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Maging Sakdal Tayo Gaya Niyang Sakdal, 27 Mayo
At nang maging sakdal, siya ang naging pinagmulan ng walanghanggang kaligtasan ng lahat ng mga sumusunod sa kanya. Hebreo 5:9. LBD 152.1
Kinuha ng ating Tagapagligtas ang tunay na kaugnayan ng isang tao bilang Anak ng Diyos. Mga anak na lalaki at anak na babae tayo ng Diyos. Upang malaman kung paano kumilos nang mahinahon, kailangan nating sumunod kung saan mangunguna si Cristo sa daan. Sa loob ng tatlumpung taon ay nabuhay Siya ng buhay ng isang sakdal na tao, na natutugunan ang pinakamataas na pamantayan ng kasakdalan.— Letter 69, 1897. LBD 152.2
Gawain nating magsikap na makamit ayon sa ating magagawa ang ganap na kasakdalang nakamit ni Cristo sa Kanyang buhay sa mundo ayon sa bawat yugto ng karakter.— Medical Ministry, p. 253. LBD 152.3
Para makapagpatuloy na hindi natitisod, dapat tayong magkaroon ng katiyakang may makapangyarihang kamay sa lahat ang hahawak sa atin, at igagawad sa atin ang walang-hanggang awa kung magkasala tayo. Ang Diyos lamang ang maaaring makarinig sa lahat ng panahon ng ating pagsaklolo. LBD 152.4
Isang solemneng isipan na ang pag-alis ng isang pananggalang mula sa budhi, ang kabiguang makatupad ng mahusay na resolusyon, ang pagbuo ng isang maling gawi, ay maaaring magbunga hindi lamang ng pagkasira ng ating sarili, kundi sa pagkabigo ng mga nagtiwala sa atin. Ang ating tanging kaligtasan ay ang pagsunod kung saan ginagabayan ng mga hakbang ng Guro ang daan, ang lubos na manalig sa proteksyon Niyang nagsasabing, “Sumunod ka sa akin.” Ang ating palagiang panalangin ay dapat, na “Itaas mo ang aking mga hakbang sa iyong landas, O Panginoon, upang ang aking mga paa ay hindi madulas.”— The Signs of the Times, July 28, 1881. LBD 152.5
Dapat linangin hanggang sa pinakamataas na antas ng kasakdalan ang bawat kakayahang ibinigay sa atin ng Maylalang, upang magawa natin ang pinakamaraming kabutihang makakaya natin. Upang mapadalisay at mapaganda ang ating mga karakter, kailangan natin ang biyayang ibinigay sa atin ni Cristo, na magbibigay-daan sa atin para makita at iwasto ang ating mga kakulangan, at pagbutihin ang mabuti sa ating mga karakter.— The Pacific Health Journal, April, 1890. LBD 152.6
Walang mali ang Anak ng Diyos. Dapat nating mithiin ang kasakdalang ito, at magtagumpay gaya Niyang nagtagumpay, kung nais nating magkaroon ng luklukan sa Kanyang kanang kamay.— Testimonies for the Church, vol. 3, p. 336. LBD 152.7