Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Sa Pagpapatawad, 26 Mayo
Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. Lucas 23:34. LBD 151.1
Si Cristo ang ating halimbawa. Inilagay Niya ang Kanyang Sarili sa ulo ng sangkatauhan upang tuparin ang gawaing ang kahalagahan ay hindi nauunawaan ng mga tao dahil hindi nila nauunawaan ang mga pribilehiyo at posibilidad na nasa harap nila bilang mga miyembro ng sambayanan ng Diyos. . . . Hindi kahinaan ang Kanyang awa, kundi isang kahila-hilakbot na kapangyarihan upang parusahan ang kasalanan. . LBD 151.2
. . Ngunit isa ring kapangyarihan upang hikayatin ang pag-ibig ng sangka-tauhan. Sa pamamagitan ni Cristo, napahintulutan ang Katarungang magpatawad na hindi binabale-wala ang isang tuldok sa nakataas nitong kabanalan.— The General Conference Bulletin, October 1, 1899. LBD 151.3
Tinuruan tayo ni Cristo na manalangin, “Patawarin mo kami sa aming mga utang, gaya rin namin na nagpapatawad sa mga may utang sa amin,” at idinagdag, “Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga tao sa kanilang mga kasalanan, patatawarin din naman kayo ng inyong Ama na nasa langit.” LBD 151.4
Hindi ba kayo, kung mayroong gumawa sa inyo ng isang pagkakamali, masyadong mapagmataas at matigas ang kalooban upang sabihin sa inyo, “Nagsisisi ako,” pumunta sa nagkasala at sabihing, “Mahal kita para kay Cristo, at pinatatawad kita sa pinsalang ginawa mo sa akin”? Sasaksi si Jesus at sasang-ayon ang gawaing ito ng pagmamahal; at habang ginagawa ninyo ito sa iba, gagawin din ito sa inyo.— The Youth’s Instructor, June 1, 1893. LBD 151.5
Dapat tayong magkaroon ng espiritu ng awa, ng habag sa mga nagkasala sa atin, kahit na ipinagtapat man nila o hindi o hindi ang kanilang mga pagkakamali. Kung hindi sila magsisisi at umamin, mananatiling nakatala sa mga aklat sa itaas ang kanilang kasalanan upang harapin nila sa araw ng paghuhukom; ngunit kung sabihin nilang, “Nagsisisi ako,” kung gayon . . . malaya nating patawarin sila mula sa puso ang kanilang mga pagkakasala sa atin.— The Youth’s Instructor, June 1, 1893. LBD 151.6
Hindi binubuo ng pagmamay-ari ng kayamanan o posisyon ang tunay na kaligayahan, kundi sa pagkakaroon ng dalisay at malinis puso, na nilinis sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan. . . . Binigyan ng pagkakataon ang bawat isa na isagawa ang mga prinsipyo ng langit. Ang pagpapatawad ng mga pinsala, at hindi ang paghihiganti sa kanila, ay isang pagpapakita ng karunungan na siyang tunay na kabutihan. Isang pagpapakita ng tunay na pagbabago ng karakter ang pag-ibig na tulad ng kay Cristo na ginawa ng Panginoon para sa sangkatauhan.— Letter 229, 1905. LBD 151.7