Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

147/367

Sa Pagkilala sa Diyos Bilang Tagapagbigay ng Lahat ng Kaloob, 25 Mayo

Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan, samakatuwid baga’y ang Diyos na siyang aming kaligtasan. Awit 68:19. LBD 150.1

Sa ilalim ng ekonomiya ng Judio, naghahandog sa Diyos ng isang alay kapag ipinanganak ang isang bata, ayon sa iniuutos Niya. Ngayon nakikita natin ang mga magulang na nagpapakahirap para mabigyan ng mga regalo ang kanilang mga anak sa kanilang mga kaarawan; ginagawa nila itong isang okasyon para bigyan ng parangal ang bata, na para bang para lamang sa tao ang karangalan. . . . Para sa buhay, kalusugan, pagkain, at damit, at gayon din sa pag-asa ng buhay na walang-hanggan, may utang tayo sa Tagapagbigay ng lahat ng awa; at ito ibigay sa Diyos bilang pagkilala sa Kanyang mga regalo, at ibigay ang ating mga handog ng pasasalamat sa ating pinakadakilang tagapagbigay. Kinikilala sa langit itong mga regalo sa kaarawan. LBD 150.2

Kung sinanay ng mga magulang na Cristiano ang kanilang mga anak na mag-alay ng mga handog sa Diyos bilang pagkilala sa Kanyang dakilang kaloob ng kaligtasan sa mga tao, gaano kaya ang magiging pagkakaiba ang karakter ng mga kabataan. Pupunta sana ang kanilang mga isip sa kanilang sarili patungo sa pinagpalang Tagapagligtas. Naturuan sana sila na madamang mahal Niya sila, at Siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala; na Siya ang kanilang pag-asa ng kaligayahan at buhay na walang-hanggan. LBD 150.3

Kung ang ganitong uri ng edukasyon ang ipinagkaloob sa ating mga anak, makikita natin ngayong araw ang mas kaunting pagkamakasarili, mas kaunting pagkainggit at paninibugho; magkakaroon tayo ng mas maraming maginoong kabataang lalaki at kaaya-ayang kabataang babae. Dapat nating makita ang mga kabataang lumalaking may moral na lakas, na may dalisay na mga prinsipyo, na may balanseng isipan at kaibig-ibig na mga karakter, dahil palaging nasa harap nila ang Modelo; masisiyahan sila sa kahalagahan ng pagkopya ng kahusayan ni Jesus, ang Huwaran. . . . Nais ng Diyos na ang mga kabataan at ang mga may edad na ay tumingin sa Kanya, na maniwala kay Jesu-Cristo na Kanyang isinugo, at na manirahan Siya sa puso; at kung ganon palalakasin ng bagong buhay ang bawat bahagi ng pagkatao. Magiging kasama nila ang banal na Mang-aaliw, at palalakasin ang mga ito sa kanilang kahinaan, at gabayan sila sa kanilang kabalisahan. . . . Magiging malinaw sa kanila ang daan ng buhay.— The Review and Herald, December 9, 1890. LBD 150.4