Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

146/367

Sa Pagsasagawa ng Kabutihan at Pagpapala sa Iba, 24 Mayo

Kung paanong si Jesus na taga-Nazaret ay binuhusan ng Diyos ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan; kung paanong naglibot siya na gumagawa ng mabuti at nagpapagaling ng lahat ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya ang Diyos. Gawa 10:38. LBD 149.1

Gumawa si Cristo ng magkakasunod na mga himala noong nandito Siya sa mundong ito. Sa gawaing ito ipinakita Niya kung ano ang maaaring gawin ng Diyos sa mga nagkakasakit na katawan at kaluluwa. . . . Patuloy Siyang naglilingkod sa iba, at pinahuhusay ang bawat pagkakataong inalok sa Kanya. Kahit sa Kanyang pagkabata ay nagsalita Siya ng mga salita ng kaaliwan at pagmamahal sa bata at matanda. . . . Isa Siyang halimbawa kung ano ang maaaring pagsikapan ng lahat ng mga bata. . . . Nagpakita Siya ng maingat na simpatya sa lahat sa Kanyang mga salita at pagkilos. Nakapagpapagaling at nagpapaginhawang gamot sa mga nanghihina ang loob at nalulumbay ang Kanyang pakikisama.— The Youth’s Instructor, September 8, 1898. LBD 149.2

Mayroon Siyang pagtitiyagang hindi puwedeng galitin, at katotohanang hindi puwedeng baguhin. Ang nakalaan Niyang mga kamay at paa ay handang maglingkod sa iba, at mapagaan ang mga pasanin ng Kanyang mga magulang.— The Youth’s Instructor, April 1, 1872. LBD 149.3

Maingat na sundin ang halimbawa ni Jesus. Tulad ng sunflower na palaging bumabaling ang kanyang bulaklak sa araw, gawin ang inyong puso, ang inyong mga kaisipan, na palagi ring bumaling kay Jesus, ang Araw ng Katuwiran. Huwag gawing sentro ang sarili, at huwag unahin ang inyong mga kasiyahan at ang inyong mga kagustuhan. Hanapin ang kabutihan ng iba; pag-aralan kung paano maging isang pagpapala sa kanila, at maluwalhati ang inyong Manlilikha.— The Youth’s Instructor, May 14, 1884. LBD 149.4

Naririnig sa buong paligid natin ang mga pagtangis ng kalungkutan ng daigdig. May mga nangangailangan at namimighati sa lahat ng dako. Ang pagibig lamang ni Cristo ang maaaring magpuno ng mga kagustuhan ng kaluluwa. Kung nananatili sa atin si Cristo, mapupuno ng banal na simpatya ang ating mga puso. Mabubuksan ang nakakandadong mga bukal ng maalab na pag-ibig na tulad ng kay Cristo. LBD 149.5

Marami ang nawalan ng pag-asa. Ibalik muli ang sikat ng araw sa kanila. Marami ang nawalan ng lakas ng loob. . . . Manalangin para sa mga kaluluwang ito. Dalhin ninyo sila kay Jesus. Sabihin sa kanilang may gamot sa Gilead at may Manggagamot doon.— Prophets and Kings, p. 719. LBD 149.6