Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

144/367

Sa Kagalakan, 22 Mayo

Ngayon ay ipinapakiusap ko sa inyo na inyong lakasan ang inyong loob. . . . Gawa 27:22. LBD 147.1

Nanirahan si Jesus sa bahay ng isang magsasaka, at tapat at maligayang isinagawa ang Kanyang bahagi sa pagdadala ng mga gawain ng sambahayan. . . . Nagtrabaho si Jesus na may kagalakan at pakikipagkapwa. Nangangailangan ito ng mahabang pasensya at espirituwalidad na dalhin ang relihiyon ng Biblia sa buhay sa tahanan at sa pagawaan, upang pasanin ang bigat ng negosyo ng mundo, at panatilihing tapat pa rin ang paningin sa kaluwalhatian ng Diyos. Dito, isang lingkod si Cristo. Hindi Siya kailan man napuno ng alalahanin ng mundo para mawalan siya ng oras o kaisipan para sa mga bagay sa kalangitan. Kadalasan ipinahayag Niya ang kasayahan ng Kanyang puso sa pag-awit ng makalangit na mga salmo at mga kanta. Kadalasan narinig ng mga naninirahan sa Nazaret ang Kanyang tinig na nakataas sa papuri at pasasalamat sa Diyos. Nakipag-usap siya sa langit sa pamamagitan ng awit; at habang nagreklamo ang Kanyang mga kasamahan ng pagod dahil sa paggawa, pinalakas sila ng matamis na himig mula sa Kanyang mga labi. Tila nagpapalayas ng mga masasamang anghel ang kanyang kapurihan, at, tulad ng insenso, pinuno ang lugar ng halimuyak.— The Desire of Ages, pp. 72, 73. LBD 147.2

Huwag umayaw at mabalisa kapag may pinagagawa sa inyong anumang gawain, ngunit masayang pasanin ang maliliit na gawain. . . . Walang anuman ang mga ito kundi karaniwan, simple, at pang-araw-araw na mga tungkulin, at maaaring makita mong napakaliit at hindi gaanong mahalaga, ngunit kailangang gawin ito ng isang tao. Kung tatapusin ninyo ito nang may mabilis na hakbang, at isang pusong masaya dahil gumawa kayo ng isang bagay na magpapagaan ng alalahanin ng inyong mga magulang, magiging pagpapala kayo sa tahanan. Hindi ninyo alam kung anong kabutihan ang nagagawa sa pamamagitan ng laging pagkakaroon ng masaya at maalwang mukha, at nagmamasid ng pagkakataong makatulong. . . . Nagtatatag kayo araw-araw para sa walang-hanggan. Hubugin ang inyong karakter ayon sa banal na modelo. Isama ninyo sa mga ito ang lahat ng kabaitan, maingat na pagsunod, pagtitiis, at pagmamahal na kaya ninyo. . . . Palaguhin ang mabilis na simpatya; laging magkaroon ng masaya at maligayang mukha, at maging handang tumulong sa mga nangangailangan ng iyong tulong. . . . Gagawa Siya [ang Diyos] ng tumpak na pagtala ng bawat gawang ginawa para sa Kanyang kaluwalhatian. . . . At makatatanggap kayo ng isang maluwalhating gantimpala sa dakilang araw ng panghuling pagtutuos.— The Youth’s Instructor, September 24, 1884. LBD 147.3