Pauwi Na Sa Langit

132/364

Ano Ang Dapat Nating Matutuhan Sa Pananalangin, Mayo 12

At sa Capernaum ay naroroon ang isang pinuno ng pamahalaan na ang anak na lalaki ay maysakit. Juan 4:46. PnL

Alam din ng Tagapagligtas na ang amang ito, sa kanyang isipan, ay gumawa ng mga kondisyon tungkol sa kanyang paniniwala kay Jesus. Malibang mapagbigyan ang kanyang petisyon, hindi niya Siya tatanggapin bilang Mesiyas. . . . PnL

Ngunit ang pinuno ay mayroong kaunting antas ng pananampalataya; sapagkat lumapit siya upang humingi ng bagay na para sa kanya ay pinakamahalaga sa lahat ng mga pagpapala. Si Jesus ay mayroong mas dakilang kaloob na ibibigay. Hindi lang Niya gustong pagalingin ang bata, kundi gawing kabahagi ang pinuno at ang kanyang sambahayan ng mga pagpapala ng kaligtasan, at magsindi ng isang liwanag sa Capernaum, na di-magtatagal ay magiging bukirin ng Kanyang paggawa. . . . PnL

Inasam ng pinuno na mas makilala pa si Cristo. Matapos niyang marinig ang Kanyang mga turo, siya at ang kanyang buong sambahayan ay naging mga alagad. Pinabanal ang kanilang paghihirap ng pagkahikayat ng kanilang buong pamilya. Kumalat ang balita ng milagro, at sa Capernaum, kung saan isinagawa ang marami sa Kanyang dakilang mga gawain, nahanda ang daan para sa personal na ministeryo ni Cristo. PnL

Siyang nagpala sa pinuno sa Capernaum ay gusto rin tayong pagpalain. Ngunit tulad sa naghirap na ama, madalas na hinahanap natin si Jesus dahil sa kagustuhang magkaroon ng ilang kagamitan sa lupa; at kapag tinanggap ang ating hinihiling, inilalagak natin ang ating pagtitiwala sa Kanyang pag-ibig. Ninanais ng Tagapagligtas na bigyan tayo ng mas malaking pagpapala kaysa ating hiniling, at Kanyang pinalalawig ang sagot sa ating kahilingan upang maipakita ang kasamaan ng ating sariling mga puso, at ang malalim nating pangangailangan ng biyaya. Gusto Niyang itakwil natin ang pagiging makasarili na nagiging dahilan para hanapin natin Siya. Na ating ipinapahayag ang ating pagiging mahina at mapait na pangangailangan, dapat nating ipagkatiwala nang buo ang ating mga sarili sa Kanyang pag-ibig. PnL

Gusto munang makita ng pinuno ang katuparan ng kanyang panalangin bago maniwala, ngunit kailangan muna niyang tanggapin ang salita ni Jesus para marinig ang kanyang kahilingan at maipagkaloob ang pagpapala. Kailangan din nating matutuhan ang liksyong ito. Naniniwala tayong hindi dahil sa nakikita natin o nararamdaman na pinakikinggan tayo ng Diyos. Dapat tayong magtiwala sa Kanyang mga pangako. Kung lalapit tayo sa Kanya na may pananampalataya, lahat ng petisyon ay papasok sa puso ng Diyos. Kapag humiling tayo ng Kanyang mga pagpapala, dapat nating paniwalaan na tinanggap na natin ito, at magpasalamat na natanggap na natin ito. Pagkatapos ay dapat tayong magpatuloy ng ating mga gawain, na may katiyakang magkakatotoo ang pagpapala sa panahong pinakakailangan natin ito. Kapag natutuhan nating gawin ito, malalaman nating nasasagot ang ating mga panalangin. Gagawa sa atin ang Diyos ng “higit na sagana,” “ayon sa mga kayamanan ng Kanyang kaluwalhatian,” at sa “paggawa ng kapangyarihan ng Kanyang lakas.” (Efeso 3:20, 16; 1:19.)— The Desire Of Ages, pp. 198, 200. PnL