Pauwi Na Sa Langit

131/364

Mag-Aral Na May Taimtim Na Panalangin, Mayo 11

Sapagkat anumang bagay na isinulat noong una ay isinulat upang tayo ay matuto, upang sa pamamagitan ng pagtitiyaga at sa pagpapasigla ng mga kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa. Roma 15:4. PnL

Yaong mga ayaw tumanggap sa malinaw at sumusugat na mga katotohanan ng Biblia ay patuloy na naghahanap ng mga nakasisiyang kathang-isip na magpapatahimik sa konsensya. Kapag sa doktrinang iniharap ay mas kaunti ang espirituwal, ang pagtanggi sa sarili, at ang pagpapakumbaba, mas malaki ang pabor na ang mga ito’y tatanggapin. Pinabababa ng mga taong ito ang mga kapangyarihang intelektuwal para paglingkuran ang kanilang makalamang pagnanasa. Dahil masyadong matalino sa sarili nilang kapalaluan para saliksikin ang mga Kasulatan na may bagbag na kaluluwa at taimtim na panalangin para sa makalangit na patnubay, wala silang sanggalang laban sa pandaraya. Nakahanda si Satanas na tustusan ang pagnanasa ng puso, at kanyang iniaabot ang kanyang pandaraya sa lugar ng katotohanan. Ganito nakuha ng kapapahan ang kapangyarihan nito sa mga pagiisip ng mga tao, at sa pamamagitan ng pagtakwil sa katotohanan dahil kasangkot dito ang isang krus. Sumusunod ang mga Protestante sa kaparehong landas. Ang lahat na nakalilimot sa salita ng Diyos para pag-aralan ang kaalwanan at patakaran, upang hindi sila maging kakaiba sa mundo, ay maiiwang makatatanggap ng kasumpa-sumpang maling paniniwala sa halip na katotohanan ng relihiyon. Bawat maiisip na uri ng kamalian ay tatanggapin ng mga kusang-loob na tumatanggi sa katotohanan. Ang taong tumitingin na may takot sa pandaraya ay mahahandang tumanggap ng isa pa. Si apostol Pablo, na nagsasalita sa isang klase na “tumanggi silang ibigin ang katotohanan upang sila’y maligtas,” ay nagpahayag na: “At dahil dito’y pinapadalhan sila ng Diyos ng makapangyarihang pagkalinlang upang sila sa kasinungalingan, upang mahatulan silang lahat na hindi sumampalataya sa katotohanan, sa halip ay nalugod sa kalikuan.” (2 Tesalonica 2:10-12.) Dahil sa ganitong babala sa harap natin, marapat lang na palagi tayong magbantay sa tinatanggap nating mga doktrina. PnL

Kasama sa mga matagumpay na mga ahensya ng dakilang mandaraya ay ang mga mapandayang doktrina at mga kahanga-hangang kasinungalingan ng espirituwalismo. Habang nakabalat-kayo bilang anghel ng liwanag, kanyang inilatag ang kanyang mga dala sa lugar na pinakahindi inaasahan. Kung pag-aaralan lamang ng mga tao ang Aklat ng Diyos na mayroong taimtim na panalangin para maunawaan ito, hindi sila maiiwan sa kadiliman upang tumanggap ng mga maling doktrina. Ngunit sa kanilang pagtanggi sa katotohanan, nagiging biktima sila ng pandaraya. PnL

Ang isa pang mapanganib na pagkakamali ay ang doktrinang tumatanggi sa pagka-Diyos ni Cristo, na nagpapahayag na hindi Siya umiiral bago ang pagdating Niya sa mundong ito. Ang teoryang ito’y tinanggap na may pagsang-ayon ng malaking bahagi ng mga nagpapakilalang mga nananampalataya sa Biblia; ngunit direkta nitong sinasalungat ang pinakamalinaw na mga pananalita ng ating Tagapagligtas tungkol sa Kanyang relasyon sa Ama, Kanyang banal na karakter, at Kanyang preeksistensya.— The Great Controversy, pp. 523, 524. PnL