Pauwi Na Sa Langit
Pinatatatag Ng Panalangin Ang Espirituwal Na Paglago, Mayo 10
Ituon mo ang iyong pag-iisip sa mga bagay na nasa itaas, hindi sa mga bagay na nasa ibabaw ng lupa. Colosas 3:2. PnL
Yaong mga nagpasyang pumasok sa espirituwal na kaharian ay makatutuklas na lahat ng mga kapangyarihan ng at mga damdamin ng masuwaying likas, na may tulong sa mga puwersa ng kaharian ng kadiliman, ay nakahanay laban sa kanila. Kinakailangan nilang magtalaga araw-araw, at makipagbaka sa kasamaan araw-araw. Ang mga dating ugali, mga minanang inklinasyon na magkamali, ay magsisikap mamuno, at dapat lagi silang nakabantay laban sa mga ito, na nagsisikap ayon sa lakas ni Cristo para sa pagtatagumpay. . . . PnL
Ang sulat para sa mga taga-Colosas ay puno ng mga liksyong mayroong napakataas na halaga para sa lahat nang kasama sa paglilingkod kay Cristo, mga liksyong nagpapakita ng nag-iisang layunin at matayog na hangarin na makikita sa buhay ng mga kumakatawan sa Tagapagligtas nang tama. Na itinatakwil ang lahat na makahahadlang sa kanila mula sa paglago sa daang pataas o makapagbabaling ng mga paa ng iba mula sa makitid na landas, ipakikita ng mga mananampalataya sa kanilang pang-araw-araw na buhay ang awa, kabutihan, kapakumbabaan, kaamuan, pagtitiis, at pag-ibig ni Cristo. PnL
Ang kapangyarihan ng isang mataas, mas dalisay, at mas marangal na buhay ang ating pinakakailangan. Ang mundo ay masyadong nasa ating isipan, at masyadong kaunti ang para sa kaharian ng langit. PnL
Sa kanilang mga pagsisikap na abutin ang mithiin ng Diyos para sa kanila, walang pagmumulan ng kawalang pag-asa sa mga Cristiano. Ang moral at espirituwal na kasakdalan, sa pamamagitan ng biyaya at kapangyarihan ni Cristo, ay ipinangako sa lahat. Si Jesus ang pinagmumulan ng kapangyarihan, at ng bukal ng tubig ng buhay. Dinadala Niya tayo sa Kanyang salita, at mula sa puno ng buhay ay ipinagkakaloob sa atin ang mga dahon para sa ikagagaling ng mga kaluluwang maysakit dahil sa kasalanan. Pinapatnubayan Niya tayo sa trono ng Diyos, at inilalagay sa ating mga bibig ang isang panalangin kung saan tayo nadadala sa malapit na ugnayan sa Kanya. Para sa ating kapakanan, inutusan Niyang kumilos ang lahat ng makapangyarihang ahensya ng langit. Sa bawat hakbang ay nadarama natin ang Kanyang nabubuhay na kapangyarihan. PnL
Hindi naglalagay ang Diyos ng limitasyon sa pag-asenso ng mga nagnanasang “mapuno ng kaalaman ng Kanyang kalooban sa lahat ng katalinuhan at pang-unawa” Sa pamamagitan ng panalangin, sa pamamagitan ng pagbabantay, para sa paglago ng kaalaman at pang-unawa, sila’y “patitibayin ng buong lakas, ayon sa Kanyang maluwalhating kapangyarihan.” Kaya handa silang gumawa para sa iba. Layunin ng Tagapagligtas na maging katuwang Niya ang mga taong dinalisay at pinabanal. Sa ganitong napakalaking pribilehiyo ay magpasalamat tayo sa Kanya na “pinagtagpo tayo upang maging kabahagi ng mamanahin ng mga banal ayon sa liwanag: na iniligtas tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman, at ipinasok tayo sa kaharian ng Kanyang minamahal na Anak.”— The Acts Of The Apostles, pp. 477, 478. PnL