Pauwi Na Sa Langit

125/364

Pananampalataya At Lihim Na Panalangin, Mayo 5

Sa hapon at umaga, at sa katanghaliang-tapat, ako'y dadaing at tataghoy, at diringgin Niya ang aking tinig. Awit 55:17. PnL

Ang totoong pananampalataya ay nanghahawak at umaangkin sa ipinangakong pagpapala bago ito maganap at madama. Kailangan nating ipadala ang ating mga petisyon na may pananampalataya sa loob ng ikalawang kurtina at hayaang panghawakan ng ating pananampalataya ang ipinangakong pagpapala at angkinin ito bilang atin. Dapat tayong maniwalang tinanggap na natin ang pagpapala, sapagkat hinahawakan ito ng ating pananampalataya, at atin na ito ayon sa Salita. “Ang lahat ng bagay na inyong idalangin at hingin, paniwalaan na ninyong tinanggap ninyo at iyon ay mapapasainyo.” (Marcos 11:24.) Narito ang pananampalataya, ang hayag na pananampalataya, na manampalatayang tinanggap natin ang pagpapala, bago pa ito matupad. Kapag natupad at natamasa ang ipinangakong pagpapala, nawawala na ang pananampalataya. Ngunit marami ang nagaakalang mayroon silang malaking pananampalataya kapag nangangaral nang marami tungkol sa Banal na Espiritu at hindi sila magkakaroon ng pananampalataya malibang madama nila ang kapangyarihan ng Espiritu. Nililito nito ang pananampalataya sa mga pagpapalang maaaring dumating sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang mismong panahon para magkaroon ng pananampalataya ay kapag nadarama nating kulang tayo sa Espiritu. Kapag ang makapal na ulap ng kadiliman ay tila bumabalot sa isipan, panahon ito para hayaang tumagos ang buhay na pananampalataya sa kadiliman at ikalat ang mga ulap. Nakasalig ang tunay na pananampalataya sa mga pangakong nasa Salita ng Diyos, at tanging ang mga taong sumusunod sa Salita ang makapag-aangkin ng mga maluwalhating pangako nito. . . . PnL

Higit pa dapat ang ating lihim na panalangin. Si Cristo ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. At kung nais nating lumago at yumabong, dapat patuloy tayong kumuha ng katas at pagkain sa Buhay na Ubas; sapagkat kung hiwalay sa Puno ng Ubas ay wala tayong lakas. PnL

Tinanong ko ang anghel kung bakit wala nang pananampalataya at kapangyarihan sa Israel. Sinabi niyang, “Kaagad silang bumitaw sa bisig ng Panginoon. Ipagpatuloy ang inyong mga petisyon sa trono, at kumapit sa pamamagitan ng matibay na pananampalataya. Tiyak ang mga pangako. Manalig na inyong tinanggap ang mga bagay na inyong hiniling, at mapapasainyo ang mga iyon.” . . . Nakita kong pinagdudahan natin ang mga tiyak na pangako, ang sinaktan ang Tagapagligtas dahil sa ating kakulangan ng pananampalataya. . . . Kapag naihatid ng kaaway ang nanghihina sa pag-aalis ng kanilang mga mata kay Jesus, at sa pagtingin sa kanilang mga sarili, at sa pagtahan sa kanilang pagiging di-karapat-dapat kay Jesus, sa Kanyang pag-ibig, Kanyang mga merito, at Kanyang dakilang awa, matatanggal niya ang kanilang pananggalang ng pananampalataya at mapapasailalim sa kanya; sila’y malalantad sa kanyang nag-aapoy na mga tukso. Ang mahihina kung gayon ay dapat tumingin kay Jesus, at manalig sa Kanya; sa ganito ay ginagamit nila ang pananampalataya.— Early Writings, pp. 72, 73. PnL