Pauwi Na Sa Langit
Isa Pang Kondisyon, Mayo 4
Ang lahat ng bagay na inyong idalangin at hingin, paniwalaan na ninyong tinanggap ninyo at iyon ay mapapasainyo. Marcos 11:24. PnL
Ang isa pang elemento ng nagtatagumpay na panalangin ay pananampalataya. “Ang sinumang lumalapit sa Kanya ay dapat na manampalatayang may Diyos at Siya ang tagapagbigay-gantimpala sa mga masigasig na humahanap sa Kanya.” (Hebreo 11:6.) Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad, “Ang lahat ng bagay na inyong idalangin at hingin, paniwalaan na ninyong tinanggap ninyo at iyon ay mapapasainyo.” (Marcos 11:24.) Pinaniniwalaan ba natin ang Kanyang salita? PnL
Ang katiyakan ay maluwang at walang limitasyon, at Siyang nangako ay tapat. Kapag hindi natin natatanggap ang mismong mga bagay na hiningi natin, sa panahon na tayo’y humingi, dapat pa rin tayong maniwalang nakikinig ang Panginoon at Kanyang sasagutin ang ating mga panalangin. Tayo’y masyadong nagkakamali at may maikling pananaw na kung minsan ay humihingi tayo ng mga bagay na hindi magiging pagpapala sa atin, at ang ating Ama sa langit ay sumasagot sa ating mga panalangin na may pag-ibig sa pagbibigay sa atin ng mga bagay na para sa ating lubhang kabutihan—na atin ding magugustuhan kung mayroon tayong pananaw na naliwanagan ng Diyos ay makikita natin ang lahat ng bagay kung ano talaga ang mga ito. Kapag tila hindi sinasagot ang ating mga panalangin, dapat tayong manghawak sa pangako; sapagkat ang panahon ng pagsagot ay tiyak na darating, at matatanggap natin ang pagpapalang pinakakailangan natin. Ngunit ang angkinin na palaging nasasagot ang panalangin sa mismong paraan at partikular na bagay na ninanais natin, ay isang kapangahasan. Ang Diyos ay masyadong matalino para magkamali, at masyadong mabuti para pigilin ang anumang mabuting bagay sa mga taong lumalakad nang matuwid. Kung gayo’y huwag matakot magtiwala sa Kanya, kahit hindi mo nakikita ang madaliang sagot sa iyong mga panalangin. Umasa sa Kanyang tiyak na pangako, “Humingi at ito’y ibibigay sa iyo.” PnL
Kung tatanggap tayo ng payo mula sa ating mga pag-aalinlangan at takot, o ating susubukang lutasin ang lahat ng bagay na hindi natin malinaw na nakikita, bago tayo magkaroon ng pananampalataya, darami lang at lalalim ang mga kalituhan. Ngunit kung tayo’y lalapit sa Diyos, na nakadaramang walang kakayahan at dumidipende, kung ano talaga tayo, at sa mapagpakumbaba, at nagtitiwalang pananampalataya ay ipinabatid natin ang ating mga nais sa Kanyang may walang hanggang karunungan, na nakakikita ng lahat sa nilikha, at Siyang namamahala ng lahat sa pamamagitan ng Kanyang kalooban at salita, Siya’y makatutugon sa ating sigaw, at hahayaan Niyan g lumiwanag ang ilawan sa ating mga puso. Sa taimtim na panalangin, tayo’y nailalapit sa pakikipag-ugnayan sa isipan ng Walang Hanggan. Wala man tayong kapansin-pansing ebidensya sa panahong yumuyuko ang mukha ng ating Manunubos sa atin na may awa’t pag-ibig, ngunit ganito nga ang nangyayari. Hindi man natin nararamdaman ang Kanyang nakikitang dampi, ngunit ang Kanyang mga kamay ay nasa atin na may pag-ibig at pagkahabag at awa. PnL
Kapag tayo’y lumapit para humingi ng awa at pagpapala mula sa Diyos, kailangan nating magkaroon ng espiritu ng pag-ibig at pagpapatawad sa ating mga puso.— Steps To Christ, pp. 96, 97. PnL