Pauwi Na Sa Langit
Ang Susi Sa Kamay Ng Pananampalataya, Mayo 2
At anumang bagay na inyong hingin sa panalangin na may pananampalataya ay inyong tatanggapin. Mateo 21:22. PnL
Ano ang maaaring isipin ng mga anghel sa langit tungkol sa kawawa at walang kakayahang mga tao, na nasa ilalim ng tukso, kahit na ang puso ng Diyos na may walang hanggang pag-ibig ay nananabik sa kanila, at handang magbigay ng higit sa kanilang hinihingi o iniisip, ngunit nakapakaunti ng kanilang panalangin at napakaliit ng kanilang pananampalataya? . . . PnL
Pinaliligiran ng kadiliman ng kasamaan ang mga nakalilimot manalangin. Inaakit silang magkasala ng mga binulong na tukso ng kaaway; at ito’y dahil hindi nila ginagamit ang mga pribilehiyong ibinigay sa kanila ng Diyos sa banal na tipanan sa pananalangin. Bakit kailangang mag-atubili pa ng mga anak ng Diyos sa pananalangin, samantalang ang panalangin ay susi sa kamay ng pananampalataya upang mabuksan ang kabanyaman ng langit, kung saan naroroon ang kayamanan ng walang takal na panustos ng Makapangyarihan sa lahat? Kung walang patuloy na pananalangin at matiyagang pagbabantay tayo’y nanganganib na lumagong walang ingat at lumilihis sa tamang daan. Ang kaaway ay patuloy na nagsisikap upang hadlangan ang daan sa luklukan ng awa, upang hindi tayo magtamo sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin at pananampalataya ng biyaya at kapangyarihang labanan ang tukso. PnL
May ilang mga kondisyon kung saan maaari nating asahan na pakikinggan at sasagutin ng Diyos ang ating mga panalangin. Ang isa sa mga nauuna rito ay madarama natin ang ating pangangailangan mula sa Kanya. Ipinangako Niya, “Sapagkat bubuhusan Ko ng tubig ang uhaw na lupa at ng mga bukal ang tuyong lupa.” (Isaias 44:3.) Silang nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, na nag-aasam sa Diyos, ay makatitiyak na sila’y mapupuno. Ang puso ay dapat nakabukas sa impluwensya ng Espiritu, kung hindi ay hindi matatanggap ang pagpapala ng Diyos. PnL
Ang malaki nating pangangailangan sa sarili nito’y isang argumento at pinakamahusay na nananawagan para sa ating kapakanan. Ngunit dapat hanapin ang Panginoon upang magawa ang mga bagay na ito para sa atin. Sinabi Niyang, “Humingi, at ibibigay sa inyo.” At “Siya na hindi ipinagkait ang sariling Anak, kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin nang walang bayad ang lahat ng mga bagay?” (Mateo 7:7; Roma 8:32.) PnL
Kung isasaalang-alang natin ang kasamaan sa ating mga puso, kung panghahawakan natin ang anumang kilalang kasalanan, hindi tayo pakikinggan ng Panginoon; ngunit ang panalangin ng nagsisisi at naghihinagpis na kaluluwa ay laging tinatanggap. Kapag naituwid ang lahat ng kilalang pagkakamali, maaari tayong manampalatayang sasagutin ng Diyos ang ating mga panalangin. Hindi tayo kailanman mabibigyan ng komendasyon ng sarili nating merito sa pabor ng Diyos; ang pagiging karapat-dapat ni Jesus ang magliligtas sa atin, ang Kanyang dugo ang maglilinis sa atin; ngunit mayroon tayong gawaing dapat gawin sa pagsunod sa mga kondisyon ng pagtanggap.— Steps To Christ, pp. 94, 95. PnL