Pauwi Na Sa Langit
Mayo—Susi sa Kamalig ng Langit
Ano Ang Sinasabi Mo Sa Diyos?, Mayo 1
Sapagkat ang mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, at ang Kanyang mga tainga ay bukas sa kanilang mga panalangin. 1 Pedro 3:12. PnL
Sa pamamagitan ng kalikasan at ng pagpapahayag, sa Kanyang probidensya, at sa impluwensya ng Kanyang Espiritu, nagsasalita ang Diyos sa atin. Ngunit hindi sapat ang mga ito, kailangan din nating ibuhos ang ating mga puso sa Kanya. Upang magkaroon ng espirituwal na buhay at lakas, kailangan natin ng aktuwal na komunikasyon sa ating Ama sa langit. Maaaring mailapit ang ating mga isipan sa Kanya; maaari tayong magbulay-bulay sa Kanyang mga ginawa, Kanyang awa at mga pagpapala; ngunit hindi ito ang ganap na kahulugan ng pakikipag-usap sa Kanya. Upang makipagniig sa Diyos, kailangang magkaroon tayo ng isang bagay na masasabi sa Kanya tungkol sa ating aktuwal na buhay. PnL
Ang panalangin ay pagbubukas ng puso sa Diyos gaya sa isang kaibigan, hindi dahil sa kailangan ito upang makilala ng Diyos kung sino tayo, kundi upang sa ganon ay tanggapin natin Siya. Hindi ibinababa ng panalangin ang Diyos sa atin, kundi itinataas nito tayo sa Diyos. PnL
Nang narito pa si Jesus sa lupa, tinuruan Niya ang mga alagad kung paano manalangin. Pinatnubayan Niya silang ipahayag ang araw-araw nilang pangangailangan sa Diyos, at ilagak ang lahat ng kanilang mga alalahanin sa Kanya. At ang katiyakang ibinigay Niya sa kanila na maririnig ang kanilang mga kahilingan, ay siya ring katiyakan sa atin. PnL
Si Jesus mismo, habang nananahan kasama ng sangkatauhan, ay madalas na nananalangin. Iniugnay ng Tagapagligtas ang Kanyang sarili sa ating mga pangangailangan at kahinaan, sa ganito Siya’y naging tagapakiusap, tagapagsumamo, na humihiling sa Ama ng mga sariwang panustos na lakas, upang Siya’y humayong nahahanda sa katungkulan at pagsubok. Siya ang ating halimbawa sa lahat ng bagay. Siya’y ating kapatid sa ating karumihan, “sa lahat ng bagay ay tinukso gaya rin natin,” ngunit tulad sa isang di-nagkakasala ang Kanyang likas ay umurong mula sa kasamaan; Tiniis Niya ang pakikipagpunyagi at pahirap ng kaluluwa sa isang mundo ng kasalanan. Ginawang pangangailangan at pribilehiyo ng Kanyang pagkatao ang pananalangin. Nakatagpo Siya ng kaaliwan at katuwaan sa pakikipagniig sa Kanyang Ama. At kung ang naramdaman ng Tagapagligtas, ng Anak ng Diyos, ang pangangailangan sa pananalangin; gaano pa kaya kahalagang maramdaman ng mga mahihina at makasalanang mortal ang pangangailangan sa isang maalab at patuloy na pananalangin. PnL
Naghihintay ang ating Ama sa langit na magbigay sa atin ng kabuuan ng Kanyang pagpapala. Pribilehiyo nating makainom nang marami sa bukal ng walang sukat na pag-ibig. Nakapagtataka ngang kaunti lamang tayo mananalangin! Handa at sabik ang Diyos na dinggin ang sinserong panalangin ng pinakamababa sa Kanyang mga anak, ngunit mayroong nakikitang malaking pag-aatubili sa bahagi natin sa pagpapaalam ng ating mga gusto sa Diyos.— Steps To Christ, pp. 93, 94 PnL