Pauwi Na Sa Langit

120/364

Sa Wakas: Isang Posisyong Mas Mataas Kaysa Mga Anghel, Abril 30

Ang magtagumpay ay pagkakalooban Ko na umupong kasama Ko sa Aking trono, gaya Ko naman na nagtagumpay at umupong kasama ng Aking Ama sa Kanyang trono. Apocalipsis 3:21. PnL

Sapagkat ang kagalakang iniharap sa Kanya, tiniis ni Cristo ang krus, na binalewala ang kahihiyan, at pinaupo sa kanang luklukan ng Diyos magpakailanman. Namatay Siya sa krus bilang handog para sa sanlibutan, at sa pamamagitan ng handog na ito’y dumating ang pinakadakilang pagpapalang maibibigay ng Diyos— ang kaloob ng Espiritu Santo. Ang pagpapala ay para sa mga tatanggap kay Cristo. Ang nagkasalang mundo ang larangan ng labanan para sa dakilang digmaang hindi kailanman nasaksihan ng sansinukob sa langit at ng mga kapangyarihan sa lupa. Ito’y itinakda bilang tanghalan kung saan gagawin ang malaking labanan sa pagitan ng mabuti at masama, sa pagitan ng langit at ng impiyerno. Ang bawat tao’y kikilos bilang bahagi sa labanang ito. Walang sinuman ang puwedeng tumayo sa gitna. Kailangang pumili ang bawat isa kung sila’y tatanggap o hindi ng Manunubos ng sanlibutan. Lahat ay mga saksi, para kay Cristo o laban sa Kanya. Nananawagan si Cristo sa mga taong nakatayo sa ilalim ng Kanyang bandila na lumaban sa labanan na kasama Niya bilang mga tapat na sundalo, upang manahin nila ang korona ng buhay. Sila’y inampon bilang mga anak ng Diyos. Iniwan sa kanila ni Jesus ang tiyak na pangako na dakila ang magiging gantimpala sa kaharian ng langit para sa mga makikibahagi sa Kanyang kahihiyan at pagdurusa para sa kapakanan ng katotohanan. PnL

Hinahamon ang krus ng Kalbaryo, at sa huli ay mananalo, laban sa bawat makalupa at malaimpiyernong kapangyarihan. Nakasentro ang lahat ang impluwensya sa krus, at humahayo mula rito ang lahat ng impluwensya. Ito ang dakilang sentro ng pangaakit, sapagkat mula rito nagbigay si Cristo ng Kanyang buhay para sa lahi ng tao. Ang sakripisyong ito’y inihandog para sa layunin na ibalik ang sangkatauhan sa kanyang orihinal na kasakdalan; Oo, higit pa. Ito’y inihandog upang magbigay sa atin nang lubos na pagbabago ng karakter, na mas higit pa tayo sa mga mananaig. Yaong magtatagumpay laban sa dakilang kaaway ng Diyos at ng sang katauhan sa lakas ni Cristo, ay uupo sa isang posisyon sa mga bulwagan sa langit na mas mataas kaysa mga anghel na di-nagkasala kailanman. . . . PnL

Sa panukala ng Diyos, tayo’y kukuha mula sa mga kayamanan ng langit. Wala sa kabang-yaman ng pinagkukunan sa langit ang ipinapalagay na masyadong mahal para isama sa dakilang kaloob ng natatanging Anak ng Diyos. “Subalit ang lahat ng tumanggap sa Kanya na sumasampalataya sa Kanyang pangalan ay Kanyang pinagkalooban sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos.” Binigyan ng kapangyarihan si Cristo na hingahan ang nagkasalang sangkatauhan ng hininga ng buhay. Yaong mga tumanggap sa Kanya ay hindi na magugutom, at hindi kailanman mauuhaw, sapagkat wala nang iba pang mas dakilang kagalakan na matatagpuan maliban kay Cristo.— General Conference Bulletin, Second Quarter, 1899, p. 33. PnL