Pauwi Na Sa Langit
Pag-Usapan Ang Tungkol Sa Mga Pagpapala Ng Diyos, Abril 29
Kung makabalik kang muli, ay palakasin mo ang iyong mga kapatid. Lucas 22:32. PnL
Sinasanay ng pananampalataya ang kaluluwa sa pagkakaroon at presensya ng Diyos, at, sa pamumuhay na may isang isipan sa kaluwalhatian ng Diyos, higit pang nauunawaan natin ang Kanyang karakter, ang kahusayan ng Kanyang biyaya. Nagiging malakas ang ating mga kaluluwa sa espirituwal na kapangyarihan, sapagkat ating hinihinga ang kapaligiran ng langit. . . . tayo’y umaangat sa ibabaw ang sanlibutan, na pinagmamasdan Siyang Puno sa gitna ng sampung libo, at Siyang lubos na kaakitakit.—SELECTED MESSAGES, book 1, p. 334. PnL
Ang lahat na umiibig sa Diyos ay dapat sumaksi ng kahalagahan ng Kanyang biyaya at katotohanan. Silang tumatanggap ng liwanag ng katotohanan ay dapat magkaroon ng mga liksyon para turuan silang huwag manahimik, kundi madalas na magsalitaan sa isa’t isa. Dapat nilang panatilihin sa isipan ang pagpupulong sa Sabbath, kapag yaong mga nagmamahal at natatakot sa Diyos, at nag-iisip ng Kanyang pangalan, ay magkakaroon ng pagkakataon para sabihin ang kanilang mga isipan kapag nagsasalita sa isa’t isa. . . . PnL
Kinikilala ng Hari ng langit ang Kanyang interes doon sa mga mananampalataya, gaano man kaaba ang kanilang mga kalagayan. At sa tuwing may pribilehiyo silang magkita, nararapat lang na sila’y madalas na mag-usap sa isa’t isa, na nagbibigay ng salita ng pasasalamat at pag-ibig na bunga ng pag-iisip sa pangalan ng Panginoon. Sa gayo’y maluluwalhati ang Diyos sa Kanyang pakikinig at pagdinig, at ang pagpupulong para sa pagsaksi ay ituturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga pagpupulong, sapagkat ang mga salitang sinalita ay nakatala sa aklat ng alaala. . . . PnL
Huwag mong pasayahin ang kaaway sa pamamagitan ng pananatili sa madilim na bahagi ng iyong karanasan, lubos na magtiwala kay Jesus upang matulungan kang labanan ang tukso. Kung mas iisipin at pag-uusapan natin si Jesus, tayo’y mas mapupuno ng kapayapaan, pananampalataya, at tapang, at magkakaroon ng mas matagumpay na karanasan para magsabi kapag tayo’y dadalo sa pagpupulong, na anupa’t ang iba ay mapapasigla ng ating malinaw at malakas na patotoo tungkol sa Diyos. Ang mga mahahalagang pagkilala para sa pagpuri ng kaluwalhatian ng Kanyang biyaya, kapag sinuportahan ng isang buhay na gaya ni Cristo, ay mayroong hindi mapaglabanang kapangyarihan, na gumagawa para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Ang maliwanag at masayang bahagi ng relihiyon ay maipapakilala sa lahat ng mga araw-araw na nakatalaga sa Diyos. Hindi natin dapat ipahiya ang Panginoon sa pamamagitan ng isang malungkot na relasyon sa mga pagsubok na lumalabas na napakahirap. Lahat ng mga pagsubok na ating tinanggap bilang mga tagapagturo ay magbubunga ng kagalakan. Ang buong buhay-relihiyon ay magpapataas, mag-aangat, magpaparangal, magiging pabango sa mabuting mga salita at gawa.— The Seventh-Day Adventist Bible Commentary, vol. 4, p. 1183. PnL