Pauwi Na Sa Langit

118/364

Tumingin Sa Itaas, Hindi Sa Ibaba, Abril 28

Kaya't itaas ninyo ang mga kamay na nanghihina at muling palakasin ang mga tuhod na nanlulupaypay. Hebreo 12:12. PnL

Ang iglesya na binigyan ng katuwiran ni Cristo, ay Kanyang kabang-yaman, na kung saan ang kayamanan ng Kanyang awa, Kanyang biyaya, at Kanyang pagibig, ay dapat na lumabas sa lubos at panghuling pagpapakita. Tinitingnan ni Cristo ang Kanyang bayan sa kanilang kadalisayan at kasakdalan, bilang gantimpala sa Kanyang kahihiyan, at ang kapupunan sa Kanyang kaluwalhatian—Si Cristo, ang dakilang Sentro, kung kanino nagmumula ang ningning ng lahat ng kaluwalhatian.— THE DESIRE OF AGES, p. 680. PnL

Interesado ang langit sa gawaing nagaganap ngayon sa sanlibutang ito, na ito’y paghahanda ng mga lalaki at babae para sa hinaharap na buhay na walang kamatayan. Panukala ng Diyos na magkaroon ng mataas na karangalan ang mga ahensya ng tao ang sa paggawa bilang mga kamanggagawa ni Jesus para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. . . . Dapat nilang tingnan ang gawain ng Diyos bilang kagalang-galang at banal, at dapat na magdala sa Kanya, bawat araw, ng handog ng kaligayahan at pasasalamat, bilang kapalit para sa kapangyarihan ng Kanyang biyaya, kung saan sila binigyang-kakayahan upang sumulong sa buhay na banal. . . . PnL

Hindi kailangan na ang sinuman ay sumuko sa mga tukso ni Satanas at sa gayo’y suwayin ang konsensya at dalamhatiin ang Banal na Espiritu. Ginawa na ang lahat ng probisyon sa Salita ng Diyos kung saan maaari nang magkaroon ng banal na tulong sa kanilang mga pagsisikap na magtagumpay. PnL

Sa relihiyosong buhay ng lahat na magiging matagumpay sa huli, ay magkakaroon ng nakatatakot na tanawin ng pagkalito at pagsubok; ngunit ang kanilang kaalaman sa Kasulatan ay tutulong sa kanila na alalahanin ang mga nakapagpapalakas na mga pangako ng Diyos, na aaliw sa kanilang mga puso at magpapatibay ng kanilang pananampalataya sa kapangyarihan Niyang Dakila. Binasa nila: . . . “upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya, bilang higit na mas mahalaga kaysa gintong nalilipol, bagaman ito’y nasusubok sa pamamagitan ng apoy, ay maaaring makita sa kapurihan, kaluwalhatian at karangalan sa pagpapakita ni Jesus.” (1 Pedro 1:7.) Ang pagsubok sa pananampalataya ay higit na mahalaga kaysa ginto. Dapat malaman ng lahat na bahagi ito ng disiplina sa paaralan ni Cristo. . . . PnL

Tipunin ang lahat ng lakas at tumingin sa itaas, hindi sa ibaba sa iyong mga kahirapan, at kung gayon hindi ka manghihina sa daan. Hindi magtatagal ay makikita mo si Jesus sa kabila ng ulap, na iniaabot ang Kanyang kamay para tulungan ka, at ang dapat mo lang gawin ay iabot ang iyong kamay sa payak na pananampalataya at hayaan Siyang patnubayan ka. . . . Ang isang dakilang pangalan sa sanlibutan ay gaya ng mga letrang isinulat sa buhangin, ngunit ang walang bahid na karakter ay magtatagal sa walang hanggan. Binibigyan ka ng Diyos ng katalinuhan at makatuwirang kaisipan, kung saan mo puwedeng kunin ang Kanyang mga pangako; at nakahanda si Jesus na tumulong sa iyo bsa pagbubuo ng malakas at balanseng karakter.— Testimonies For The Church, vol. 5, pp. 573, 574, 578, 579. PnL