Pauwi Na Sa Langit
Mga Korona At Kasuotan, Abril 27
Ang magtagumpay ay bibihisang gayon ng mapuputing damit. Apocalipsis 3:5. PnL
Alam nating lahat na mayroong isang kapangyarihang gumagawa kasama ng ating pagsisikap para magtagumpay. Bakit hindi hahawakan ng mga lalaki at babae ang tulong na ibinigay, upang sila’y maitaas at mapadakila? Bakit ibinababa nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagpapakasasa sa makasalanang panlasa? Bakit hindi sila bumabangon sa lakas ni Jesus, at magtagumpay ayon sa Kanyang pangalan? Ang pinakamahinang panalangin na ating maihahandog, ay pakikinggan ni Jesus. Kanyang kinakaawaan ang kahinaan ng bawat kaluluwa. Ang tulong para sa lahat ay inilatag sa kanya na makapangyarihan para magligtas. Itinuturo ko kayo kay Jesu-Cristo, ang Tagapagligtas ng makasalanan, na siya lang ang makapagbibigay ng kapangyarihan para magtagumpay sa bawat bahagi. PnL
Langit ang lahat sa atin. Hindi dapat tayo gumawa ng anumang panganib tungkol sa bagay na ito. Hindi tayo dapat makipagsapalaran tungkol dito. Dapat nating alamin na ang ating mga hakbang ay iniutos ng Panginoon. Tulungan nawa tayo ng Diyos sa dakilang gawain ng pagtatagumpay. Mayroon Siyang korona para sa mga nagwagi. Mayroon Siyang puting damit para sa mga matuwid. Mayroon Siyang isang walang hanggang mundo ng walang hanggang kaluwalhatian para sa mga naghahangad ng kaluwalhatian, karangalan, at kawalan ng kamatayan. Ang lahat nang pumapasok sa lunsod ng Diyos ay papasok bilang mga mananagumpay. Hindi sila papasok doon bilang mga hinatulang kriminal, kundi mga anak ng Diyos. At ang pagbating na ibinigay sa lahat na papasok ay, “Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula sa pagkatatag ng sanlibutan.” (Mateo 25:34.) PnL
Masaya kong sasabihin ang mga salitang tutulong sa mga nanginginig na mga kaluluwa na higpitan nila ang hawak sa pamamagitan ng pananampalataya sa dakilang Tumutulong, upang magkaroon sila ng karakter kung saan masayang titingin ang Diyos. Maaari silang anyayahan ng langit, at ipakita ang mga pinakapiling pagpapala nito, at maaari silang magkaroon ng lahat ng kagamitan para paunlarin ang isang sakdal na karakter; ngunit ang lahat ay mababalewala malibang handa nilang tulungan ang kanilang mga sarili. Kailangan nilang gamitin ang mga ibinigay ng Diyos na kapangyarihan, o kung hindi ay lulubog sila palalim nang palalim, at mawawalan ng halaga para sa kabutihan, dito man o sa walang hanggan. PnL
Ang lahat na nanghina, at kahit na naalipusta dahil sa makasalanang pagpapakasasa, ay maaaring maging mga anak ng Diyos. May kapangyarihan silang patuloy na gumawa nang mabuti sa iba, at tulungan silang daigin ang tukso; at sa paggawa nito’y mag-aani sila ng kapakinabangan sa kanilang mga sarili. Maaari silang maging maliwanag at nagniningning na mga ilawan sa sanlibutan, at sa huli ay makaririnig ng bendisyon na, “Magaling, mabuti at tapat na alipin,” mula sa mga labi ng Hari ng Kaluwalhatian.— Christian Temperance And Bible Hygiene, pp. 148, 149. PnL