Pauwi Na Sa Langit

116/364

Nagtagumpay Sa Kabila Ng Mga Pagsubok, Abril 26

Mga minamahal, huwag kayong magtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring may isang kataka-takang baagy na nangyayari sa inyo. 1 Pedro 4:12. PnL

Sa panahong ito ng pagsubok, kailangan nating magpalakasan-ng-loob at magaliwan sa isa’t isa. Ang mga tukso ni Satanas ay mas malakas kaysa dati, sapagkat alam niyang maiksi na ang kanyang oras, at di-magtatagal ang bawat kaso ay hahatulan, ito man ay sa buhay o sa kamatayan. Hindi na ito panahon para lumubog sa panghihina ng loob at pagsubok; dapat tayong magtiis sa ilalim ng ating mga pagdurusa at lubos na magtiwala sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob. Ipinakita sa akin ng Panginoon na ang biyaya Niya’y sapat para sa lahat ng ating mga pagsubok; at bagaman mas malakas sila kaysa dati, ngunit kapag lubos na nagtiwala tayo sa Diyos, mapagtatagumpayan natin ang bawat tukso at sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ay lalabas tayong nagtagumpay. PnL

Kung madadaig natin ang mga pagsubok sa atin at magtatagumpay laban sa mga tukso ni Satanas, kung gayo’y natitiis natin ang pagsubok sa ating mga pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, at higit na malakas at mas handa upang harapin ang kasunod. Ngunit kung tayo’y lulubog at susuko sa mga tukso ni Satanas, hihina tayo nang hihina at walang tatanggaping gantimpala para sa pagsubok at hindi masyadong magiging handa para sa susunod. Sa ganitong paraan lalo tayong hihina nang hihina, hanggang sa mahatid tayo sa pagkakabilanggo kay Satanas sa kanyang kalooban. PnL

Dapat nating isuot ang buong baluti ng Diyos at maging handa sa anumang oras para sa pakikipaglaban sa kapangyarihan ng kadiliman. Kung dumadaluhong ang mga tukso at pagsubok sa atin, lumapit tayo sa Diyos at umiyak sa Kanya sa panalangin. Hindi Niya tayo paalising walang dala, kundi bibigyan Niya tayo ng biyaya at lakas upang magtagumpay, at wasakin ang kapangyarihan ng kaaway. Sana, kung makikita lamang ng lahat ang mga bagay sa tunay nilang kulay at titiisin ang kahirapan bilang mga mabuting sundalo ni Jesus! Kung gayon, ang Israel ay susulong, na malakas sa Diyos, at sa kapangyarihan ng Kanyang lakas. PnL

Ipinakita sa akin ng Diyos na binigyan Niya ang Kanyang bayan ng mapait na kopa ng inumin, upang dalisayin at linisin sila. Ito’y isang mapait na inumin, at magagawa pa nila itong mas mapait sa pamamagitan ng pagbubulung-bulungan, pagrereklamo, at pagdaing. Ngunit yaong mga tumanggap dito ay kailangan ng ikalawang inumin, sapagkat ang una ay hindi nagkaroon ng inaasahang epekto sa puso. At kung ang ikalawa ay hindi nagkaroon ng epekto, dahil doon ay dapat pa silang bigyan ng kasunod, at kasunod pa, hangga’t hindi ito magkaroon ng inaasahang epekto, at kung hindi, sila’y maiiwang marumi, hindi dalisay sa puso. Nakita kong ang mapait na kopang ito’y kayang patamisin ng pagtitiyaga, pagtitiis, at ito’y magbibigay ng inaasahang epekto sa mga puso noong tumanggap nito, at mapaparangalan at maluluwalhati ang Diyos.— Early Writings, 46, 47. PnL