Pauwi Na Sa Langit

115/364

Tagum pay saPam a magitan ng mga Meriton i Cristo, Abril 25

Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin. 1 Corinto 15:22. PnL

Dahil sa napakalaking halaga, tayo’y nalagay sa isang mataas at mainam na dako kung saan tayo’y maaaring mapalaya mula sa pagkaalipin ng kasalanan, na nagawa ng pagkakasala ni Adan. . . . Hindi natin kailanman mauunawaan ang halaga ng kaluluwa ng tao hangga’t hindi natin napagtatanto ang dakilang sakripisyong ginawa para sa pagtubos ng kaluluwa as Kalbaryo. Ang kasalanan ni Adan sa Eden ang naglublob sa lahi ng tao sa walang pag-asang kahirapan. Ngunit sa panukala ng kaligtasan, naglaan ng isang landas para makatakas ang lahat kung sila’y tutugon sa mga kahilingan. Isang ikalawang palugit ang ibinigay sa pamamagitan ng sakripisyo ng Anak ng Diyos. Mayroon tayong digmaang dapat labanan, datapwat maaari tayong magtapos na matagumpay sa pamamagitan ng mga merito ng dugo ni Cristo. PnL

Nakita ng Diyos na imposible tayong manaig at managumpay sa sarili nating lakas. Ang lahi ay patuloy sa humihina sa bawat sumusunod na henerasyon mula nang pagkakasala, at hindi natin matatanggihan ang kasamaan ng walang pagpipigil kung wala ang tulong ni Cristo. Gaano tayo dapat na magpasalamat na mayroon tayong Tagapagligtas at pumayag Siyang hubarin ang Kanyang pangharing kasuotan at iwan ang maharlikang trono, at damitan ang Kanyang pagka-Diyos ng katawang-tao at maging isang Lalaki ng kalumbayan at nakararanas ng kalumbayan. . . . PnL

Pagkatapos ng Kanyang bautismo, inihatid Siya ng Espiritu sa ilang at tinukso ng diablo. Inumpisahan ni Cristo ang gawain ng pagtubos kung saan nagsimula ang kasiraan, at ang hinaharap na kabutihan ng sanlibutan ay nakadepende sa labang nilabanan ng Prinsipe ng buhay doon sa ilang. Salamat sa Diyos na Siya’y lumabas na matagumpay, na nilagpasan ang kaparehong dako kung saan bumagsak si Adan at tinubos ang nakahihiyang kabiguan ni Adan. Umalis si Satanas laban bilang natalong kaaway. Ang tagumpay na ito ay isang katiyakan sa atin na sa tulong ng Diyos maaari tayong magtagumpay para sa ating kapakanan sa sarili nating kakayanan sa pakikipaglaban sa kaaway. . . . PnL

Nadama ni Satanas na ang lahat ng kapangyarihan sa nagkasalang planetang ito’y hawak niya, ngunit nang dumating si Cristo para makipagsukatan ng lakas sa prinsipe ng kadiliman, nakakita si Satanas ng Isang may kakayahang labanan ang kanyang mga tukso. Ang mga salita ni Cristo ay, “Dumating ang prinsipe ng sanlibutan, wala siyang kapangyarihan sa Akin.” . . . Nagmamasid ang buong langit sa kahihinatnan ng labanan ni Cristo at ni Satanas. . . . Ngayon ang tanong ay, Kukunin ba natin ang kalamangan ng sitwasyon at lalabas na higit pang mga mananagumpay sa pamamagitan Niyang umiibig sa atin?— Christ Triumphant, p. 215. PnL