Pauwi Na Sa Langit
Ipamahagi Kung Ano Ang Iyong Tinanggap, Abril 24
Ang Diyos . . . na umaaliw sa atin sa lahat ng ating kapighatian, upang maaaliw na rin ang nasa anumang kapighatian sa pamamagitan ng kaaliwan na inaaliw sa atin ng Diyos. 2 Corinto 1:3, 4. PnL
Para sa nagsisising makasalanan, laging handa ang Diyos na magpakita ng awa at katotohanan. Handa Niyang ipagkaloob sa kanila ang pagpapatawad at pag-ibig; at hinihiling Niyang magpakita ng kaparehong awa at pag-ibig sa iba silang pinagpala dahil sa Kanyang awa; sapagkat ito’y paggawa ng gawain ni Cristo, ito’y pagsunod sa kautusan ng Diyos. Yaong mga nagpapakita ng tunay na pasasalamat ay lumuluwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal sa Kanya ng lubos at ng kanyang kapwatao gaya ng kanilang mga sarili. Nagpapakita sila ng katotohanang hindi nila tinanggap ang espiritu ng sanlibutan, kundi ang Espiritu ng Diyos. Sa pamamagitan ng eksperimentong kaalaman, alam nila kung ano ang mga mabuting bagay na libreng ipinagkaloob sa kanila ng Diyos; sapagkat sila’y niliwanagan ng Banal na Espiritu. Nagsasagawa sila para sa kanilang sariling kaligtasan na may takot at panginginig, dahil alam nilang ang Diyos ay kumikilos sa kanila para sa pagnanais at sa paggawa sa Kanyang mabuting kalooban. Nananatili si Cristo sa kaluluwa ng mananampalataya, isang balon ng tubig na bumubukal para sa walang hanggang buhay. PnL
Kung tinitingnan natin ang ating mga sarili bilang mga biniling pag-aari ni Cristo, mas lalo nating mauunawaan ang ating pangangailangan sa Kanyang patuloy na presensya upang ipakilala natin Siya sa pamamagitan ng pagpapakita ng awa at pag-ibig sa lahat na lumalapit sa maaabot ng ating impluwensya. Ang ating buhay ay inatasan ng mga banal na katungkulan, at sa pamamagitan lang ng lubos na pagtatalaga sa Diyos, kapag tayo’y nilinis Niya, at inilagay ang Kanyang sariling buhay at espiritu sa atin, na makakaya nating tamang ipakilala Siya sa iba. Ang ating pananagutan ay umaabot hanggang sa ating mga isipan, mga salita, at mga kilos, pati na rin sa ating mas malawak na mga pangangalakal sa ating mga kapwa-tao. PnL
Upang masunod ang kautusan, dapat nating isagawa ginintuang kautusan, at gawin natin sa iba kung ano ang gusto nating gawin nila sa atin. Ang ating impluwensya ay dapat na pabanalin ng Banal na Espiritu ng Diyos, upang ito’y maging pagpapala sa sangkatauhan. Hindi tayo dapat mag-alala kung ano ang ating gagawin sa mga susunod na linggo o buwan o mga taon; sapagkat hindi para sa atin ang hinaharap. Ang isang araw lang ang atin, at sa araw na ito dapat tayong mabuhay para sa Diyos, pagandahin ang ating mga karakter sa pamamagitan ng pananampalataya sa katuwiran ni Cristo. Ang araw na ito’y dapat nating ilagay sa mga kamay ni Cristo sa banal na paglilingkod, sa lahat ng ating mga layunin at panukala upang mapatnubayan Niya. Sa araw na ito’y dapat nating gawin sa iba ang ninanais nating gawin din nila sa atin. Dapat tayong maging handa na magsalita ng mabubuting salita na mula sa mga pusong puno na simpatya at pag-big.—Signs Of The Times, July 11, 1892. PnL