Pauwi Na Sa Langit
Tagumpay Tungo Sa Tagumpay, Abril 20
Ito ang tagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya. 1 Juan 5:4. PnL
Sa pamamagitan ni Cristo, inilaan ang pagpapanumbalik pati na pakikipagkasundo. Ang malaking agwat na ginawa ng kasalanan ay nilagyan ng tulay sa pamamagitan ng krus ng Kalbaryo. Isang buo at kumpletong pantubos ang ibinayad ni Jesus, sa bisa nito, napatatawad ang makasalanan at napananatili ang katarungan ng kautusan. Lahat nang nananalig na si Cristo ang nagpapatawad na handog ay maaaring lumapit at tumaggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan; sapagkat sa pamamagitan ng merito ni Cristo, nabuksan ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan. Maaari akong tanggapin ng Diyos bilang Kanyang anak, at ako’y maaaring mag-angkin at magdiwang sa Kanya bilang aking nagmamahal na Ama. PnL
Kailangan nating isentro ang ating mga pag-asa sa langit kay Cristo lamang, sapagkat Siya ang ating Kapalit at Katiyakan. Sumalangsang tayo sa kautusan ng Diyos, at dahil sa mga gawa ng kautusan walang sinuman ang maaaring maging ganap. Ang pinakamabuting pagsisikap na magagawa natin sa pamamagitan ng ating sariling lakas ay walang halaga para matugunan ang banal at makatarungang kautusang ating sinuway; ngunit sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo maaari nating kunin ang katuwiran ng anak ng Diyos bilang sapat na katugunan. Tinugunan ni Cristo ang mga ipinag-uutos ng kautusan sa Kanyang likas na pagkatao. Pinasan Niya ang sumpa ng kautusan para sa mga makasalanan, at gumawa Siya ng pakikipagkasundo para sa kanila, “upang ang sinuman na sa kanya ay sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” Ang tunay na pananampalataya ay nag-aangkop ng katuwiran ni Cristo, at ang makasalanan ay nagiging mananagumpay kay Cristo; sapagkat sila’y ginawang kabahagi ng likas ng Diyos, at sa gayo’y nagsasama ang dibinidad at ang sangkatauhan. PnL
Ang mga nagsisikap na abutin ang langit sa pamamagitan ng sarili nilang mga gawa sa pagsunod sa kautusan ay sumusubok ng imposibleng bagay. Hindi tayo maliligtas kung walang pagsunod, ngunit ang ating paggawa ay hindi dapat sa ating mga sarili; kailangang gumawa si Cristo sa atin sa kalooban at sa paggawa ng Kanyang mabuting kalooban. Kung maililigtas natin ang ating mga sarili ng sariling mga gawa, mayroon tayo sa ating mga sarili na dapat ipagdiwang. Ang pagsisikap na ginagawa natin para magkaroon ng kaligtasan ay kinakatawanan ng handog ni Cain. Ang lahat ng magagawa ng mga tao na wala si Cristo ay narumihan ng pagkamakasarili at kasalanan; ngunit ang mga nagawa sa pamamagitan ng pananampalataya ay katanggap-tanggap sa Diyos. Kapag hinahanap natin ang langit sa pamamagitan ng kabutihan ni Cristo, susulong ang kaluluwa. “Pagmasdan natin si Jesus ang nagtatag at nagpasakdal ng ating pananampalataya,” maaari tayong magpatuloy mula sa lakas tungo sa isa pang lakas, mula sa tagumpay patuloy sa isang pang tagumpay, sapagkat gumawa ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo para sa ating lubos na kaligtasan.— Review And Herald, July 1, 1890 (Selected Messages, book 1, pp. 363, 364) PnL