Pauwi Na Sa Langit

109/364

Isang Bagong Buhay, Abril 19

Kailangang kayo'y ipanganak na muli. Juan 3:7. PnL

Tulad ni Nicodemo, kailangang kusang loob tayong pumasok sa buhay gaya ng pagpasok ng pinuno ng mga makasalanan. Maliban kay Cristo, “walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na ating ikaliligtas.” (Gawa 4:12.) Natatanggap natin ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya; ngunit hindi natin Tagapagligtas ang pananampalataya. Wala itong nakukuha. Ito ang kamay inihahawak natin kay Cristo, at naglalaan ng Kanyang mga merito, ang gamot sa kasalanan. At hindi rin tayo makapagsisisi kung wala ang tulong ng Espiritu ng Diyos. Sinasabi ng Kasulatan tungkol kay Cristo, “Siya’y itinaas ng Diyos sa Kanyang kanang kamay bilang pinuno at tagapagligtas, upang bigyan ang Israel ng pagkakataong magsisi, at ng kapatawarang kasalanan.” (Gawa 5:31.) Totoong nagmumula ang pagsisisi kay Cristo gaya rin ng kapatawaran. PnL

Kung gayon, ay paano tayo maliligtas? “Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang,” gayundin itinaas ang Anak ng tao, at ang lahat nang nadaya at nakagat ng ahas ay maaaring tumingin at mabuhay. “Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!” (Juan 1:29.) Ang liwanag na nagniningning sa krus ay nagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos. Inilalapit tayo ng Kanyang pag-ibig sa Kanyang sarili. Kung hindi natin tatanggihan ang Kanyang paanyaya, papatnubayan tayo sa paanan ng krus na may pagsisisi para sa mga kasalanang nagpako sa Tagapagligtas. Pagkatapos, ang Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay magbubunga ng isang bagong buhay sa kaluluwa. Ang mga kaisipan at pagnanais ay nahahatid sa pagsunod sa kalooban ni Cristo. Ang puso, ang isipan ay muling nilikha ayon sa larawan Niyang gumagawa sa atin para pasukuin ang lahat ng bagay sa Kanyang sarili. Pagkatapos, ang kautusan ng Diyos ay isinulat sa isipan at puso, at ating masasabi kay Cristo na, “Kinaluluguran kong sundin ang Iyong kalooban, O Diyos.” (Awit 40:8.) PnL

Sa pakikipanayam ni Nicodemo, ipinaliwanag ni Jesus ang panukala ng kaligtasan, at ang Kanyang misyon sa sanlibutan. Wala sa alinmang kasunod na pakikipag-usap Niya na lubos at sunud-sunod Niyang ipinaliwanag ang tungkol gawaing kailangang gawin sa mga puso ng lahat na magmamana ng kaharian ng langit. Sa mismong pasimula ng Kanyang ministeryo, binuksan Niya ang katotohanan sa isang miyembro ng Sanhedrin, sa isipang masyadong handang tumanggap, at sa isang itinakdang guro ng mga tao. Ngunit hindi tinanggap ng mga pinuno ng Israel ang liwanag. Itinago ni Nicodemo ang katotohanan sa kanyang puso, at sa loob ng tatlong taon ay mayroong kaunting nakikitang bunga. . . . PnL

Isinalaysay ni Nicodemo kay Juan ang kuwento ng panayam na iyon, at natala ito ng Kanyang panulat para sa pagtuturo sa milyon-milyong mga tao.— The Desire Of Ages, pp. 175-177. PnL