Pauwi Na Sa Langit

10/364

Ang Mga Susi Ng Langit, Enero 9

Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. Mateo 16:19. PnL

Nagpatuloy si Jesus: “At sinasabi Ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang Aking iglesya; at ang pintuan ng Hades at hindi magwawagi laban sa kanya.” (Mateo 16:18.) Ang salitang Pedro ay nagpapahiwatig sa isang bato—isang gumugulong na bato. Hindi si Pedro ang bato kung saan itinatag ang iglesya. Ang pintuan ng impiyerno ay nagtagumpay laban sa kanya nang itinanggi niya ang kanyang Panginoon na may pagtutungayaw at panunumpa. Ang iglesya ay itinatag sa Isa na kung saan hindi kayang magtagumpay ang pintuan ng impiyerno. . . . PnL

“Sa ibabaw ng batong ito” sabi ni Jesus, “Aking itatayo ang Aking Iglesya.” Sa presensya ng Diyos, at sa lahat ng naninirahan sa langit, sa presensya ng mga dinakikitang hukbo ng impiyerno, itinatag ni Cristo ang Kanyang iglesya sa ibabaw ng buhay na Bato. Ang Batong ito’y Siya mismo—ang Kanyang katawan, para sa atin na nasira at nasugatan. Laban sa iglesyang itinayo sa ganitong pundasyon, hindi magtatagumpay ang pintuan ng impiyerno. PnL

Gaano ngang kahina ang litaw ng iglesya nang sinalita ni Cristo ang mga salitang ito! Mayroon lang kakaunting mananampalataya, na kung saan nakatuon ang lahat ng kapangyarihan ng mga demonyo at masasamang tao; ngunit hindi dapat matakot ang mga tagasunod ni Cristo. Dahil nakatayo sa Bato ang kanilang kalakasan, hindi sila magigiba. PnL

Sa loob ng anim na libong taon, naitayo ang pananampalataya kay Cristo. Sa loob ng anim na libong taon ang mga baha at bagyo ng galit ni Satanas ay humampas sa Bato ng ating kaligtasan, ngunit nananatili itong di-natitinag. Ipinahayag ni Pedro ang katotohanan na siyang pundasyon ng pananampalataya ng iglesya, at ngayon ay pinarangalan siya ni Jesus bilang kinatawan ng buong kalipunan ng mga mananampalataya. Sinabi niyang, “Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” (Talatang 19.) PnL

“Ang mga susi ng kaharian ng langit” ay mga salita ni Cristo. Lahat ng mga salita ng Banal na Kasulatan ay Kanya, at isinama rito. Ang mga salitang ito’y may kapangyarihang magbukas at magsara ng langit. Ipinapahayag nila ang mga kondisyon na kung saan ang mga tao ay tinatanggap at itinatakwil. Kaya ang gawain ng mga taong nangangaral ng salita ng Diyos ay isang samyo ng buhay tungo sa buhay o ng kamatayan tungo sa kamatayan. Nasa kanila ang misyong natitimbangan ng mga walang hanggang bunga.— The Desire of Ages, pp. 412-414. PnL