Pauwi Na Sa Langit

106/364

Paano Natin Naipagkakaila Si Jesus?, Abril 16

Ngunit sinumang magkakaila sa Akin sa harapan ng mga tao, ay ipagkakaila Ko rin naman sa harapan ng Aking Ama na nasa langit. Mateo 10:33. PnL

Nagpapatuloy si Jesus: Sa inyong pagkilala sa akin sa harap ng mga tao, gayon Ko rin kayo kikilalanin sa harap ng Diyos at ng mga banal na anghel. Kayo’y dapat maging mga saksi Ko sa lupa, mga daluyan ng Aking biyaya para sa kagalingan ng sanlibutan. Kaya Ako’y magiging kinatawan ninyo sa langit. Hindi tinitingnan ng Ama ang may depekto mong karakter, ngunit nakikita Niya kayong nadadamitan ng Aking kasakdalan. Ako ang daluyan kung saan ang mga pagpapala ng langit ay darating sa inyo. At ang lahat ng nagpapakilala sa akin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Aking sakripisyo sa mga nawaglit ay ipakikilala bilang kabahagi ng kaluwalhatian at kagalakan ng mga tinubos. PnL

Ang lahat nang nais magpapakilala kay Cristo ay dapat may Cristo na nasa kanila. Hindi nila maipababatid ang bagay na hindi nila natanggap. Maaaring makapagsalita nang mahusay ang mga alagad tungkol sa doktrina, maaaring kayanin nilang ulitin ang mismong sinalita ni Cristo; ngunit malibang nasa kanila ang kaamuan at pag-ibig na tulad kay Cristo, hindi nila Siya ipinapahayag. Ang isang espiritung salungat sa espiritu ni Cristo ay ipagkakaila Siya, anuman ang pagpapahayag. Maaaring ipagkaila ng mga tao si Cristo sa pamamagitan ng pagsasalita nang masama, sa pamamagitan ng mga kalokohang salita, at sa pamamagitan ng mga di-totoo at di-mabait na salita. Maaari nilang ipagkaila Siya sa pamamagitan ng pagtanggi sa pasanin ng buhay at sa paghahanap ng mga makasalanang kalayawan. Maaari nilang ipagkaila Siya sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa sanlibutan, sa pamamagitan ng walang galang na pag-uugali, sa pagmamahal sa kanilang sariling opinyon, sa pamamagitan ng pagmamatuwid sa sarili, sa pagkakaroon ng alinlangan, pakikipag-away, at manatili sa kadiliman. Sa lahat ng ito, ipinakikilala nilang wala si Cristo sa kanila. . . . PnL

Sinabihan ng Tagapagligtas ang Kanyang mga alagad na huwag umasang ang galit ng sanlibutan sa ebanghelyo ay mapagtatagumpayan, at paglipas ng panahon, titigil ang pagsalungat. Sinabi Niyang, “Hindi Ako pumarito para magdala ng kapayapaan, kundi ng tabak.” Ang pagkakaroon ng labanan ay hindi bunga ng ebanghelyo, kundi bunga ng pagsalungat dito. Sa lahat ng pag-uusig, ang pinakamahirap sa lahat ay ang pagkakasalungatan sa tahanan, ang paghihiwalay ng mga pinakamamahal na mga kaibigan sa lupa. Ngunit ipinahayag ni Jesus, “Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit kaysa Akin ay hindi karapat-dapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalaki at sa anak na babae nang higit kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.” . . . PnL

Ang misyon ng mga lingkod ni Cristo ay isang mataas na karangalan, at isang banal na pagtitiwala. . . . Walang gawang kabutihan na ipinakita sa kanila sa Kanyang pangalan na hindi kikilalanin at gagantimpalaan. At sa kaparehong malumanay na pagkilala, isinama Niya ang pinakamahina at pinakamababa sa sambahayan ng Diyos.— The Desire Of Ages, pp. 357, 358. PnL