Pauwi Na Sa Langit

104/364

Ang Pagsunod Na Nasa Puso, Abril 14

Kung Ako'y inyong minamahal ay tutuparin ninyo ang Aking mga utos. Juan 14:15. PnL

Napakahalagang manalangin sa pangalan ni Cristo. Nangangahulugan itong kailangan nating tanggapin ang Kanyang karakter, na nahahayag sa Kanyang espiritu, at gawin ang Kanyang mga gawain. Ang pangako ng Tagapagligtas ay ibinigay na may kondisyon. “Kung Ako’y inyong minamahal,” sinasabi Niya, “ay tutuparin ninyo ang Aking mga utos.” Inililigtas Niya ang mga tao, hindi sa kasalanan, kundi mula sa kasalanan; at ipakikita ng mga nagmamahal sa Kanya kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pagsunod. PnL

Lahat ng tunay na pagsunod ay nagmumula sa puso. Ito’y isang gawain ng puso kasama si Cristo. At papayagan natin, Kanyang iuugnay ang Kanyang sarili sa ating mga pag-iisip at mga layunin, kaya isama natin ang ating mga puso at isipan sa pagayon sa Kanyang kalooban, upang sa pagsunod sa Kanya ay gagawin lamang natin ang sarili nating damdamin. Ang kalooban, na nalinis at pinabanal, magkakaroon ng pinakamataas na kaligayahan sa paggawa sa Kanyang gawain. Kung kilala natin ang Diyos ayon sa pribilehiyo nating kilalanin Siya, ang buhay natin ay magiging buhay ng patuloy na pagsunod sa Diyos, kamumuhian natin ang kasalanan. PnL

Kung paanong isinakabuhayan ni Cristo ang kautusan sa sangkatauhan, ganito rin ang puwede nating gawin kung panghahawakan natin ang Kalakasan para sa lakas. Ngunit hindi natin dapat ilagay ang responsibilidad ng ating katungkulan sa iba, at hintayin ang mga ito na magsabi sa atin kung anong gagawin. Hindi makaaasa sa payo ng tao. Kusang-loob na tuturuan tayo ng Panginoon sa ating katungkulan gaya rin ng Kanyang pagtuturo sa iba. Kung tayo’y lalapit sa Kanya sa pananampalataya, personal Niyang ipapahayag sa atin ang Kanyang lihim. Ang ating mga puso ay madalas na mag-iinit sa loob natin bilang Isang lumalapit para kausapin tayo gaya nang ginawa Niya kay Enoc. Yaong mga nagpasyang hindi gagawa ng anumang bagay sa anumang linya na di-magpapasaya sa Diyos, ay malalaman, matapos na ihayag ang ating katayuan sa Kanya, kung ano ang landas na dapat puntahan. At hindi lamang sila tatanggap ng katalinuhan, kundi ng kalakasan. Lakas para sa pagsunod at para sa paglilingkod, ang ibibigay sa kanila, gaya ng pangako ni Cristo. Anumang ibinigay kay Cristo—ang “lahat ng bagay” para ipinagkaloob sa mga nagkasalang lalaki’t babae—ay ibinigay sa Kanya bilang pinuno at kinatawan ng sangkatauhan. At “anumang ating hingin ay tinatanggap natin mula sa kanya, sapagkat tinutupad natin ang kanyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na kalugud-lugod sa kanyang harapan.” (1 Juan 3:22.) PnL

Bago ihandog ang Kanyang sarili bilang inihaing biktima, hinahangad ni Cristo ang pinakakailangan at lubos na kaloob na ibibigay sa Kanyang mga tagasunod, isang kaloob magdadala sa kanila ng walang hangganang pinagmumulan ng biyaya. “Hihilingin ko sa Ama,” sabi Niya, ” at kayo’y bibigyan ng isa pang Mang-aaliw.” (Juan 14:16.)— The Desire Of Ages, pp. 668, 669. PnL