Pauwi Na Sa Langit
Muog Para Sa Diyos, Abril 13
Sa kahuli-hulihan, patuloy kayong magpakalakas sa Panginoon at sa kapangyarihang Kanyang lakas. Efeso 6:10. PnL
Marami sa panahon ni Jesus, maging sa ngayon, ang sa ilang panahon ay nakalaya sa kontrol ni Satanas. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay napalaya sila mula sa masasamang espiritung nakapamuno sa kanilang kaluluwa. Nagalak sila sa pag-ibig ng Diyos; ngunit, tulad nang nasa talinghaga na mga takagapakinig sa mabatong lupa, hindi sila nanatili sa Kanyang pag-ibig. Hindi nila araw-araw na isinuko ang kanilang mga sarili sa Diyos, upang manirahan si Cristo sa puso, at nang bumalik ang masamang espiritu, na may kasamang “pito pang espiritu na mas buhong kaysa kanyang sarili,” sila’y lubos na napangingibabawan ng kapangyarihan ng kasamaan. PnL
Kapag nagpasakop ang kaluluwa kay Cristo, isang bagong kapangyarihan ang magmamay-ari sa bagong puso. Ang isang pagbabagong nagaganap ay hindi natin kailanman kayang gawin sa ating mga sarili. Ito’y isang sobrenatural na gawain, paghahatid ng isang sobrenatural na elemento sa sangkatauhan. Ang kaluluwang naisuko kay Cristo ay nagiging sarili Niyang muog, na Kanyang hinahawakan sa gitna ng nagrebeldeng mundo, at inilaan Niyang walang ibang awtoridad ang makikilala dito maliban sa Kanya. Ang kaluluwang iningatan nang gayon sa pagmamay-ari ng mga makalangit na ahensya ay di-magugupo sa mga atake ni Satanas. Ngunit malibang isuko natin ang ating mga sarili sa kontrol ni Cristo, mapangingibabawan tayo ng isang makasalanan. Tayo’y tiyak na mapapasailalim ng kontrol ng isa o ng isa pa sa dalawang malaking kapangyarihan na naglalaban sa pamumuno sa sanlibutan. Hindi na natin kailangan pang malayang piliin na maglingkod sa kaharian ng kadiliman upang mapasailalim dito. Kailangan lamang nating kalimutang ikampi ang ating mga sarili sa kaharian ng liwanag. Kung hindi tayo nakikipagtulungan sa mga ahensya ng langit, aangkinin ni Satanas ang ating puso, at gagawin itong kanyang tirahan. Ang tanging pananggalang laban sa kasamaan ay ang paninirahan ni Cristo sa puso sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang katuwiran. Malibang matibay tayong nakaugnay sa Diyos, hindi natin kailanman matatanggihan ang di-banal na epekto ng pagmamahal sa sarili, pagpapakasasa sa sarili, at tukso para magkasala. Maaari nating iwan ang maraming masasamang kaugalian, sa ilang panahon ay maaari tayong humiwalay kay Satanas; ngunit kung walang matibay na koneksyon sa Diyos, sa pamamagitan ng pagpapasakop ng ating mga sarili sa Kanya sa bawat sandali, tayo’y magagapi. Kung walang personal na pagkakilala kay Cristo, at patuloy na pakikipag-ugnayan, tayo’y nasa kapangyarihan ng kaaway, at sa huli ay gagawa ng kanyang mga ipinag-uutos. . . . PnL
Ang pinakakaraniwang pagpapakita ng kasalanan laban sa Banal na Espiritu ay ang patuloy na pagtanggi sa imbitasyon ng Langit para magsisi. Bawat hakbang sa pagtanggi kay Cristo ay isang hakbang tungo sa pagtanggi sa kaligtasan.— The Desire Of Ages, pp. 323, 324. PnL