Pauwi Na Sa Langit

101/364

Manatiling Nakatuon kay Jesus, Abril 11

Mapapalad ang inyong mga mata, sapagkat ang mga ito'y nakakakita. Mateo 13:16. PnL

Habang magkasabay na naglalakad, ang kamay ni Pedro ay nasa kanyang Pangino on, magkasama silang sumakay papasok ng bangka. Ngunit si Pedro ay maamo at tahimik na ngayon. Wala na siyang dahilan para magyabang sa kanyang mga kasama, sapagkat dahil sa kawalan ng paniniwala at pagmamataas ay muntik nang mawala ang kanyang buhay. Nang ilayo niya ang kanyang mga mata kay Jesus, nawala an kanyang tinatapakan, at siya’y lumubog sa gitna ng mga alon. PnL

Kapag dumating sa atin ang kaguluhan, gaano kadalas tayong nagiging gaya ni Pedro! Tumitingin tayo sa mga ulap, sa halip na patuloy na nagtutuon ng ating mga mata sa Tagapagligtas. Madudulas ang ating inaapakan, at umaagos ang mayayabang na tubig sa ating mga kaluluwa. Hindi pinalapit ni Jesus si Pedro sa Kanya para mamatay; hindi Niya tayo tinatawagang sumunod sa Kanya, at pagkatapos ay iiwan tayo. . . . PnL

Nabasa ni Jesus ang karakter ng Kanyang mga alagad. Alam Niya kung gaano kahirap na susubukin ang kanilang pananampalataya. Sa pangyayaring ito sa dagat, gusto Niyang ipakita kay Pedro ang kanyang kahinaan—upang ipakitang ang kanyang kaligtasan ay nasa patuloy na pagdepende sa kapangyarihan ng Diyos. Sa gitna ng bagyo ng tukso, ligtas lang siyang makalalakad habang lubos siyang di-nagtitiwala sa sarili at kailangan niyang umasa sa Tagapagligtas. Sa puntong inakala ni Pedro na siya’y malakas, doon siya mahina; at hindi niya mapagtatanto ang kanyang pangangailangan na dumipende sa Diyos hangga’t hindi niya nakikita ang kanyang kahinaan. Kung natutuhan niya ang liksyong nais ituro sa kanya ni Jesus sa dagat, hindi siya mabibigo sa pagdating ng malaking tuksong dumaan sa kanya. PnL

Tinuturuan ng Diyos ang Kanyang mga anak araw-araw. Sa mga pangyayari sa araw-araw ng buhay, inihahanda Niya silang gawin ang kanilang bahagi sa isang malawak na yugto na Kanyang itinakda sa kanila. Ang isyu ng araw-araw na pagsubok ang nagtatakda ng kanilang tagumpay o pagkatalo sa mga dakilang krisis ng buhay. PnL

Yaong mga nabigong makilala ang kanilang patuloy na pagsalig sa Diyos ay matatalo ng tukso. Maaari nating isipin ngayon na nakatayong ligtas ang ating mga paa, at kailanman ay hindi tayo makikilos. Maaari nating sabihing may katiyakan na, “Kilala ko ang pinaniniwalaan ko, walang makayayanig ng pananampalataya ko sa Diyos at sa Kanyang salita.” Ngunit nagpaplano si Satanas na samantalahin ang ating mga minana at nakasanayang katangian ng karakter, at bulagin ang ating mga mata sa ating sariling mga pangangailangan at depekto. Tanging sa pagkatanto lang ng ating mga sariling mga kahinaan at matatag na pagtingin kay Jesus tayo makalalakad ng may katiyakan.— The Desire Of Ages, pp. 381, 382. PnL