Pauwi Na Sa Langit

99/364

Paghakbang Na Lagpas Sa Hangganan, Abril 9

Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan, ni ang mga bagay na nasa sanlibutan. 1 Juan 2:15. PnL

Hindi sinabi ni Cristo na ang mga tao ay hindi maglilingkod sa dalawang panginoon, kundi hindi nila kaya ito. Ang mga interes ng Diyos at ang mga interes ng kayamanan ay walang pagsasama o pagdadamayan. Kundi kung saan binababalaan sila ng konsensya ng Cristiano na magpigil, na tanggihan ang sarili, tumigil, doon lamang lumalampas sa hangganan ang mga anak ng sanlibutan, upang magpakasasa sa kanilang mga makasariling hilig. Sa kabilang bahagi ng linya ay ang mga may pagtanggi sa sariling tagasunod ni Cristo; sa kabilang panig ay ang mga nagpapakasasa-sa-sariling mga nagmamahal sa sanlibutan, nagbibigay-hilig sa uso, na sumasama sa kalokohan, at nagpapakalayaw ng mga sarili sa ipinagbabawal na kasiyahan. Ang mga Cristiano ay hindi makapupunta sa kabila ng linyang iyon. PnL

Walang sinuman ang maaaring tumayo sa gitnang posisyon; walang nasa gitna, na hindi nagmamahal sa Diyos o naglilingkod sa kaaway ng katuwiran. Kailangang mamuhay si Cristo sa Kanyang mga taong ginagamit at gumawa sa kanilang mga isipan at kumilos ayon sa kanilang mga kakayahan. Dapat magpasakop ang kanilang mga kalooban sa Kanyang kalooban; dapat silang kumilos kasama ng Kanyang Espiritu. Kung gayon hindi na sila ang nabubuhay, kundi si Cristo na ang nabubuhay sa kanila. Ang mga hindi nagbibigay ng buo nilang sarili sa Diyos ay nasa ilalim ng kontrol ng ibang kapangyarihan, na nakikinig sa ibang tinig, na ang mga suhestyon ay may ibang katangian. Ang kalahating paglilingkod ay naglalagay sa tao sa panig ng kaaway bilang isang matagumpay na kakampi ng hukbo ng kadiliman. Kapag ang mga nag-aangking mga kawal ni Cristo ay sumama sa samahan ni Satanas, at tumulong sa kanyang panig, ay nagpapatunay sa kanilang sarili na mga kaaway ni Cristo. Kanilang ipinagkanulo ang banal na pagtitiwala. Bumubuo sila ng isang tanikala sa pagitan ni Satanas at ng mga tunay na kawal, upang sa pamamagitan ng mga ahensyang ito ang kaaway ay patuloy na gumagawa sa pagnanakaw sa mga puso ng mga kawal ni Cristo. PnL

Ang pinakamalakas na muog ng bisyo sa mundo ay hindi ang makasalanang buhay ng mga iniwang makasalanan o ang hamak na pinalayas; ito ang buhay na lumalabas na banal, kagalang-galang, at marangal, kundi ang isang nag-aalaga ng kasalanan, at nagmamalabis sa bisyo. Sa kaluluwang nagsisikap ng lihim laban sa isang higanteng tukso, na nanginginig sa gilid ng bangin, ang ganitong halimbawa ay isa sa pinakamalakas na nakahihikayat sa kasalanan. Sinumang, pinagkalooban ng buhay at katotohanan at karangalan, na gumagawa rin ng kusang-loob na pagsuway sa isang alituntunin ng banal na utos ng Diyos, ay bumaluktot sa Kanyang marangal na mga kaloob upang gamitin sa pang-aakit na magkasala. Ang katalinuhan, talento, awa, kahit na mapagbigay at mabait na gawain, ay magiging mga pain ni Satanas para akitin ang ibang mga kaluluwa na mahulog sa bangin ng kapahamakan ng buhay na ito at sa buhay na darating.— Thoughts From The Mount Of Blessing, pp. 93, 94. PnL