Pauwi Na Sa Langit

95/364

Ang Tukso Ay Makapagdudulot Ng Tagumpay, Abril 5

Tapat ang Diyos, na hindi Niya ipahihintulot na kayo'y tuksuhin nang higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay naglalaan ng pag-iwas upang ito'y inyong makayang tiisin. 1 Corinto 10:13. PnL

Hindi natin dapat iharap ang ating mga panalangin sa Diyos para mapatunayan kung tutuparin Niya ang Kanyang salita, kundi dahil tutuparin Niya ito; hindi upang mapatunayan na mahal Niya tayo, kundi dahil mahal Niya tayo. PnL

“Muli, dinala siya ng diablo sa isang napakataas na bundok . . . at sinabi sa Kanya, Ang lahat ng ito ay ibibigay ko sa Iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasamba sa akin.” Ito ang pinakalundo ng pagsisikap ni Satanas. Ibinubuhos niya sa pagsisikap na ito ang lahat ng kanyang mapandayang kapangyarihan. Ito ang pang-aakit ng ahas. Ginamit niya ang kapangyarihan ng kanyang pang-aakit kay Cristo, na nagsikap na pasukuin ang Kanyang kalooban sa kanya. Sa Kanyang kahinaan ay nanghawak si Cristo sa Diyos. Suminag ang pagka-Diyos sa Kanyang pagkatao. Nanindigan si Cristo bilang Pinuno ng langit, at ang Kanyang mga salita ay mga salita ng isang mayroong lahat ng kapangyarihan. “Lumayas ka Satanas,” sabi Niya, “sapagkat nasusulat, Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos, at Siya lamang ang iyong paglilingkuran.” PnL

Kinuwestiyon ni Satanas kung si Jesus ang Anak ng Diyos. Sa pagpapalayas sa kanya may katibayan siyang hindi siya makatututol. Wala siyang kapangyarihang tanggihan ang utos. Habang nanginginig sa kahihiyan at pagkasuklam, napilitan siyang lumayas sa presensya ng Manunubos ng mundo. Ang pagtatagumpay ni Cristo ay lubos kung paanong nabigo naman si Adan. PnL

Nalalaman ni Cristo ang tungkol sa mahabang taon ng tunggalian sa hinaharap sa pagitan ng mga tao at ng mapandayang kaaway. Siya ang kanlungan ng lahat na, sa paglusob ng tukso, ay tatawag sa Kanya. Ang tukso at pagsubok ay darating sa ating lahat, ngunit hindi tayo dapat mapilipit ng kaaway. Nagtagumpay ang ating tagapagligtas sa kapakanan natin. Nalulupig si Satanas. Araw-araw niyang nakatatagpo ang mga nasa pagsubok, na nagsisikap na mapagtagumpayan sila. Malakas ang kanyang nag-aakusang kapangyarihan, at sa ganitong paraan siya mas nagtatagumpay kaysa sa iba pang paraan. Tinukso si Cristo, upang malaman Niya kung paano tulungan ang bawat kaluluwang di-magtatagal ay tutuksuhin. Hindi kasalanan ang matukso; ang kasalanan ay doon sa sumusuko rito. Sa kaluluwang nagtitiwala kay Jesus, ang tukso ay nangangahulugang tagumpay at mas dakilang kalakasan. PnL

Handa si Cristo na magpatawad sa mga lumalapit at nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan . . . . Salamat sa Diyos, tayo’y mayroong isang dakilang saserdoteng kinilos ng damdamin ng ating mga karumihan, sapagkat sa lahat ng bagay Siya’y tinuksong gaya natin.— Christ Triumphant, p. 218. PnL