Pauwi Na Sa Langit

94/364

Pundasyon Para Sa Tagumpay, Abril 4

Subalit salamat sa Diyos, na nagbigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 1 Corinto 15:57. PnL

Para sa mga naniniwala, si Cristo ang siguradong pundasyon. Sila ang mga bumabagsak sa bato at nadudurog. Ipinapakita dito ang pagpapasakop kay Cristo at pananampalataya sa Kanya. Ang bumagsak sa Bato at madurog ay ang iwan ang ating sariling katuwiran at magtungo kay Cristo na may kapakumbabaan tulad ng isang bata, na nagsisisi sa ating mga pagsalangsang, at naniniwala sa Kanyang nagpapatawad na pag-ibig. At pamamagitan din ng pananampalataya at pagsunod tayo nagtatayo kay Cristo bilang ating pundasyon. PnL

Sa ibabaw ng buhay na bato, parehas na puwede magtayo ang mga Judio at Hentil. Ito ang tanging pundasyon kung saan tayo’y ligtas na makapagtatayo. Ito’y may sapat na luwang para sa lahat, at sapat na tibay upang kayanin ang bigat at pasanin ng buong mundo. At sa pamamagitan ng koneksyon kay Cristo, ang buhay na bato, ang lahat na nagtayo sa ibabaw ang pundasyong ito ay magiging buhay na bato. Maraming tao ang tinabtaban, pinakintab, at pinaganda sa pamamagitan ng sarili nilang pagsisikap; ngunit hindi sila maaaring maging “buhay na mga bato,” sapagkat hindi sila konektado kay Cristo. Kung wala ang koneksyong ito, walang sinuman ang maliligtas. Kung wala ang buhay ni Cristo sa atin, hindi tayo makatatayo sa mga bagyo ng tukso. Ang ating walang hanggang kaligtasan ay nakadepende sa ating pagtatayo sa tiyak na pundasyon. Marami ngayon ang nagtatayo sa mga pundasyong hindi pa subok. Kapag bumagsak ang ulan, at nagngalit ang bagyo, at dumating ang baha, babagsak ang bahay nila, dahil hindi ito nakatayo sa walang hanggang Bato, ang pangunahing batong panulok na si Cristo Jesus. PnL

“Sa kanila na natitisod sa salita, dahil masuwayin,” si Cristo ay isang batong nakatitisod. Ngunit “ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ay siyang naging puno ng panulok.” (1 Pedro 2:7, 8.) Tulad ng itinakwil na bato, tiniis ni Cristo sa Kanyang misyon sa lupa ang pagwawalang-bahala at pang-aabuso. Siya’y “hinamak at itinakwil ng mga tao; isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan; . . . Siya ay hinamak at hindi natin Siya pinahalagahan.” (Isaias 53:3.) Ngunit malapit na ang oras kung kailan Siya maluluwalhati. Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay mula sa patay, Siya ay ipapakilala bilang “Anak ng Diyos na may kapangyarihan.” (Roma 1:4.) Sa Kanyang ikalawang pagdating, Siya’y ihahayag bilang Panginoon ng langit at lupa. Yaong sa ngayon ay halos magpapako sa Kanya ay makakikilala ng Kanyang kadakilaan. Sa harap ng sansinukob ang itinakwil na bato ay magiging puno ng panulok. . . . PnL

Ganito ang magaganap sa huling araw, kapag ipinataw na ang hatol sa mga tumanggi sa biyaya ng Diyos. Si Cristo, ang batong kinatitisuran nila, ay magpapakita sa kanila ngayon bilang isang naghihiganting bundok.— The Desire Of Ages, pp. 599, 600. PnL