Pauwi Na Sa Langit

93/364

Tagumpay Lamang Sa Diyos, Abril 3

Ito ang tagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya. 1 Juan 5:4. PnL

Ang buhay Cristiano ay isang labanan at isang martsa. Ngunit ang tagumpay na matatamo ay hindi nakakamit sa pamamagitan ng kapangyarihan ng tao. Ang lugar ng labanan ay ang sakop ng puso. Ang laban na kailangan nating labanan— ang pinakamalaking laban na nilabanan kailanman ng mga tao—ay ang isuko ang sarili sa kalooban ng Diyos, ang pagpapasakop ng puso sa pamumuno ng pag-ibig. Ang dating likas, na ipinanganak ng dugo at ayon sa kalooban ng laman, ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Diyos. Ang mga hilig na minana, ang dating mga pag-uugali, ay dapat na alisin. PnL

Matatagpuan, nilang nagpasyang pumasok sa espirituwal na kaharian, na ang lahat ng kapangyarihan at silakbo ng damdamin ng isang hindi nagbagong likas, na pinapanigan ng mga hukbo ng kaharian ng kadiliman, ay nakaharap laban sa kanila. Ang pagkamakasarili at kapalaluan ay tatayo laban sa anumang bagay na magpapakita sa mga ito bilang kasalanan. Hindi natin kaya, sa ating mga sarili, na talunin ang mga masamang pagnanasa at mga kaugaliang nagsisikap na mamuno. Hindi natin kayang talunin ang malakas na kaaway na humahawak sa atin sa kanyang pang-aalipin. Diyos lang makapagbibigay sa atin ng tagumpay. Nais Niya tayong magkaroon ng kasanayan sa ating mga sarili, sa ating sariling kalooban at pamamaraan. Ngunit hindi Siya makagagawa sa atin kung wala ang ating pahintulot at kooperasyon. Ang Espiritung banal ay gumagawa sa pamamagitan ng mga bahagi at kapangyarihang ibinigay sa atin. Kinakailangan ang ating mga lakas sa pakikiisa sa Diyos. PnL

Ang tagumpay ay hindi natatamo kung walang maraming taimtim na panalangin, kung walang pagpapakumbaba ng sarili sa bawat hakbang. Hindi dapat pilitin ang ating mga kalooban na sa pakikiisa sa mga ahensya ng langit, ngunit dapat itong boluntaryong ipasakop. Kung posibleng ipilit ito sa iyo nang higit sa isang daang beses ang lakas ang impluwensya ng Espiritu ng Diyos, hindi ka nito magagawang Cristiano, na angkop para sa langit. Ang kuta ni Satanas ay hindi masisira. Ang kalooban ay dapat ilagay sa panig ng kalooban ng Diyos. Hindi mo kaya, sa iyong sarili, na ilapit ang iyong mga layunin at mga pagnanasa at mga kinahiligan sa pagpapasakop sa kalooban ng Diyos; ngunit kung “gusto mong tulungan kang gustuhin mo.” Diyos ang tutupad ng gawain para sa iyo, kahit na ang “paggiba ng mga pangangatuwiran at bawat palalong hadlang laban sa karunungan ng Diyos, at binibihag ang bawat pagiisip upang sumunod kay Cristo.” (2 Corinto 10:5.) Kung gayon, “isagawa ninyo ang inyong sariling kaligtasan na may takot at panginginig; sapagkat Diyos ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanais at sa paggawa, para sa kanyang mabuting kalooban” (Filipos 2:12, 13.)— Thoughts From The Mount Of Blessing, pp. 141-143. PnL