Pauwi Na Sa Langit

88/364

Biyaya Mula Sa Tagapagligtas, Marso 29

Sapagkat sa biyaya kayo'y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos. Efeso 2:8. PnL

Dapat tayong matuto sa paaralan ni Cristo. Wala maliban sa katuwiran ni Cristo ang makapagbibigay karapatan sa atin sa isa sa mga pagpapala ng tipan ng biyaya. Matagal na nating ninanais at sinusubukang matamo ang mga pagpapalang ito, ngunit hindi natatanggap ang mga ito dahil pinanatili natin sa isipan na makagagawa tayo ng bagay para gawing karapat-dapat ang ating mga sarili sa mga ito. Hindi tayo tumitingin sa labas ng ating mga sarili, na naniniwalang si Jesus ay buhay na Tagapagligtas. Huwag isipin na ang sarili nating biyaya at merito ang magliligtas sa atin; ang biyaya lamang ni Cristo ang pag-asa para sa kaligtasan. Sa Kanyang propeta ay nangako Siya, “Lisanin ng masama ang kanyang lakad, at ng liko ang kanyang mga [pag-iisip; at manumbalik siya sa Panginoon at kanyang kaawaan siya; at sa aming Diyos, sapagkat siya’y magpapatawad ng sagana.” (Isaias 55:7.) Dapat paniwalaan ang hayag na pangakong ito, at huwag tanggapin ang damdamin sa halip na pananampalataya. Kapag lubos nating pinagtiwalaan ang Diyos, kapag umasa tayo sa mga merito ni Jesus bilang isang nagpapatawad-sa-kasalanan na Tagapagligtas, matatanggap natin ang lahat ng tulong na maaari nating naisin. PnL

Tinitingnan natin ang sarili, na para bang may kapangyarihan tayong iligtas ang ating mga sarili, ngunit namatay si Jesus para sa atin dahil wala tayong magagawa para gawin ito. Nasa Kanya ang pag-asa, ang pag-aaring ganap, at ang katuwiran. Huwag mapanghinaan, at matakot na wala tayong Tagapagligtas, o Siya’y hindi naaawa sa atin. Ngayon mismo, ginagawa Niya ang gawain para sa atin, at inaanyayahan tayong lumapit sa Kanya sa ating kahinaan at magkaroon ng maligtas. Nilalapastangan natin Siya sa kawalan ng paniniwala. Nakagugulat pagtrato natin sa ating pinakamabuting kaibigan, na pagtitiwala ang ibinibigay natin sa Kanya na may nakapagliligtas nang lubos, at Siyang nagbigay ng lahat ng katibayan para sa Kanyang dakilang pag-ibig. . . . PnL

Huwag hayaang maramdaman ng sinuman na wala nang pag-asa ang kanilang kaso; dahil hindi ito totoo. Maaaring nakikita mong ikaw ay makasalanan at walang kakayahan; ngunit sa ganitong dahilan ka nangangailangan ng Tagapagligtas. Kung may kasalanan kang dapat ipagtapat, huwag nang aksayahin ang panahon. Ginto ang mga sandaling ito. “Kung ipapahayag natin ang ating mga kasalanan, Siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa ating mga kalikuan.” (1 Juan 1:9). Ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran ay bubusugin; sapagkat ipinangako ito ni Jesus. Mahal na Tagapagligtas! Bukas ang Kanyang mga bisig para tanggapin tayo, at ang Kanyang dakilang pag-ibig ay naghihintay na pagpalain tayo. PnL

Tila nararamdaman ng iba na kailangang dumaan sa probasyon at dapat patunayan nabago na sila, bago maangkinin ang Kanyang pagpapala. Ngunit maaari nang angkinin ng mga kaluluwang ito ang pagpapala kahit ngayon na. Dapat silang magkaroon ng Kanyang biyaya, ng Espiritu ni Cristo, para tulungan sila sa kanilang mga karumihan, at kung hindi ay hindi sila makabubuo ng Cristianong karakter. Gusto ni Jesus na lumapit tayo sa Kanya, kung ano man tayo—makasalanan, walang kakayahan, at umaasa.— Selected Messages, vol. 1, pp. 351-353. PnL