Pauwi Na Sa Langit
Sa Anino Ng Krus, Marso 28
Subalit huwag nawang mangyari na ako'y magmalaki maliban sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Galacia 6:14. PnL
Hindi magkakaroon ng pagmamalaki ng sarili, walang mayabang na pag-aangkin ng kalayaan mula sa kasalanan, sa bahagi ng mga lumalakad sa anino ng krus ng Kalbaryo. Nadarama nilang kasalanan nila ang naging dahilan ng pagdurusang dumurog sa puso ng anak ng Diyos, at ang isipang ito ay maghahatid sa kanila sa paghamak sa sarili. Malinaw na mauunawaan ng mga taong namumuhay na malapit kay Jesus ang karupukan at kasamaan ng sangkatauhan, at ang tangi nilang pag-asa ay nasa merito ng isang ipinako at nabuhay na Tagapagligtas. PnL
Ang pagpapakabanal na lubhang nagtatamo na ngayon ng pagkakakilanlan sa mundo ng relihiyon ay nagdadala ng isang espiritu ng pagtataas sa sarili at isang pagwawalang-bahala sa kautusan ng Diyos na itinatakda ito bilang hiwalay sa relihiyon ng Biblia. Itinataguyod nito ang turo na ang pagpapakabanal ay isang dagliang gawain, na kung saan, sa pamamagitan lang ng pananampalataya, matatamo nila ang sakdal na kabanalan. “Maniwala ka lang,” sabi nila, “at ang pagpapala ay sasa iyo.” Wala nang iba pang pagsisikap sa bahagi ng tumatanggap ang kakailanganin. Kasabay nito, kanilang tinatanggihan ang awtoridad ng kautusan ng Diyos, at ipinipilit na sila’y pinalaya na mula sa obligasyong sundin ang mga kautusan. Ngunit posible bang maging banal, ayon sa kalooban at karakter ng Diyos, na hindi na dumadating sa pakikiayon sa mga prinsipyo na siyang ekspresyon ng Kanyang likas at kalooban, na siyang nagpapakita ng mga bagay na nakalulugod sa Kanya? PnL
Ang pagnanais na magkaroon ng madaling relihiyon na hindi na nangangailangan ng pagsisikap, pagtanggi sa sarili, paghiwalay sa mga kamangmangan ng mundo, ay ginawang pananampalataya lamang ang doktrina ng pananampalataya, na ito’y isang popular na doktrina; ngunit ano ang sinasabi ng salita ng Diyos? . . . PnL
Ang patotoo ng salita ng Diyos ay laban sa bumibitag na doktrina ng pananampalataya na walang mga gawa. Hindi pananampalataya ang nag-aangkin ng pabor ng langit na hindi sumusunod sa mga kondisyon kung saan ipinagkakaloob ang awa, ito’y isang haka-haka; sapagkat ang tunay na pananampalataya ay may pundasyon sa mga pangako at probisyon ng Kasulatan. PnL
Huwag dayain ng sinuman ang kanilang mga sarili sa paniniwalang kaya nilang maging banal samantalang kusang-loob na lumalabag sa isa sa mga alituntunin ng Diyos. Ang paggawa ng nalalamang kasalanan ay nagpapatahimik sa sumasaksing tinig ng Espiritu at naghihiwalay sa kaluluwa mula sa Diyos. . . . Hindi natin maiaayon ang kabanalan sa anuman kung hindi ito dadalhin sa sukatan ng tanging pamantayan ng Diyos sa kabanalan sa langit at sa lupa.— The Great Controversy, pp. 471, 472. PnL