Pauwi Na Sa Langit

8/364

Pinalinaw Ang Panukala Ng Kaligtasan, Enero 7

Matakot sa Diyos, at sundin ang Kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. Eclesiastes 12:13. PnL

Tinukoy sa Biblia ang buong katungkulan ng tao. Sinasabi ni Solomon, “Matakot sa Diyos, at sundin ang Kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao.” Ang kalooban ng Diyos ay nasa Kanyang nakasulat na salita, at ito ang kinakailangang kaalaman. Ang karunungan ng tao, ang pagiging pamilyar sa mga wika ng iba’t ibang mga bansa, ay isang tulong sa gawaing misyonero. Ang pagkaunawa sa mga kaugalian ng mga tao, sa mga lugar at panahon ng mga pangyayari, ay isang praktikal na kaalaman; sapagkat ito’y nakatutulong upang gawing malinaw ang mga tauhan ng Biblia sa pagbabangon ng mga kapangyarihan ng liksyon ni Cristo; ngunit hindi positibong kailangang malaman ang mga bagay na ito. Maaaring matagpuan ng manlalakbay na tao ang daang inilatag para daanan ng mga tinubos, at walang matatagpuang magiging dahilan para sa sinumang nasasawi dahil sa maling pagkaunawa sa mga Kasulatan. PnL

Sa Biblia, bawat mahalagang prinsipyo ay ipinahayag, bawat katungkulan ay ginawang malinaw, bawat obligasyon ay ipinakita. Ang buong katungkulan ng tao ay binuod ng Tagapagligtas. Sinasabi Niya, “Iyong iibigin ang Panginoon mong Diyos ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas, at ng iyong buong isipan. . . . At iyong iibigin ang iyong kapwa tao gaya ng iyong sarili.” Sa salita ang panukala ng kaligtasan ay malinaw na isinaad. Ang kaloob na buhay na walang hanggan ay ipinangako ayon sa kondisyon ng nagliligtas na pananampalataya kay Cristo. Ang nakapanghihikayat na lakas ng Banal na Espiritu ay itinawag-pansin bilang isang ahente sa gawain ng ating kaligtasan. Ang mga gantimpala sa mga tapat, ang parusa sa mga nagkasala, ay inilatag lahat nang malinaw. Naglalaman ang Biblia ng siyensya ng kaligtasan para sa lahat ng mga taong makikinig at tutupad sa mga salita ni Cristo. PnL

Sinasabi ng apostol, “Ang lahat ng mga Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran. Upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, nasasangkapang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.” Ang Biblia ang nagpapaliwanag sa sarili nito. Ang isang talata ay magpapatunay bilang isang susing magbubukas ng iba pang mga talata, at sa pamamagitan nito’y mabibigyang liwanag ang nakatagong kahulugan ng salita. Sa pamamagitan ng paghahambing ng iba’t ibang mga talatang nagtatalakay sa magkaparehong paksa, sa pagtingin sa kanilang kahalagahan sa bawat panig, makikita ang tunay na kahulugan ng mga Kasulatan. . . . PnL

Ang Panginoong Diyos, ang Manlilikha ng mga daigdig, sa sukdulang halaga ay ibinigay ang ebanghelyo sa sanlibutan.— Fundamentals of Christian Education, pp. 186-188. PnL