Pauwi Na Sa Langit
Isang Rekord Ng Kalooban Ng Diyos, Enero 6
Iniingatan ko ang lyong salita sa aking puso, upang huwag akong magkasala sa lyo. Awit 119:11. PnL
Sa mga tuntunin ng Kanyang banal na utos, nagbigay ang Diyos ng isang sakdal na pamantayan ng buhay; at Kanyang ipinahayag na hanggang sa pagtatapos ng panahon, ang kautusang ito, na di-mababago ng kahit isang tuldok o kudlit, ay dapat panatilihin ang mga sinasabi nito sa sangkatauhan. Dumating si Jesus upang dakilain ang kautusan at gawin itong marangal. Ipinakita Niyang nakabase ito sa malawak na pundasyon ng pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa tao, at ang pagsunod sa mga tuntunin nito’y bumubuo sa buong katungkulan ng tao. Sa Kanyang sariling buhay ay nagbigay Siya ng halimbawa ng pagsunod sa kautusan ng Diyos. Sa Sermon sa Bundok ipinakita Niya kung paano lumalampas ang mga obligasyon nito sa mga panlabas na gawain at bumabatid ng mga isipan at layunin ng puso. PnL
Ang kautusan, kapag sinunod, ay maghahatid sa atin upang tanggihan ang “kasamaan at makamundong pagnanasa,” at upang “mamuhay nang may katinuan, matuwid, at banal sa kasalukuyang panahon.” (Tito 2:12.) Ngunit binihag ang mundo ng kaaway ng lahat ng katuwiran at inihatid ang mga lalaki at babae upang sumuway sa kautusan. Gaya nang nakinita ni Pablo, maraming mga tao ang tumalikod mula sa malinaw, masusing mga katotohanan ng Diyos at pumili ng mga gurong nagtuturo sa kanila ng ninanais nilang mga kathang-isip. Marami sa mga pastor at sa mga tao ang niyuyurakan ang mga utos ng Diyos. Kaya nainsulto ang Manlilikha ng sanlibutan, at humahalakhak nang may pagtatagumpay si Satanas dahil sa tagumpay ng kanyang mga pakana. PnL
Sa paglago ng paghamak sa kautusan ng Diyos, nagkaroon ng lumalawak na pagkasuklam sa relihiyon, pagdami ng kapalaluan, pag-ibig sa kalayawan, pagsuway sa mga magulang, at pagpapakasasa sa sarili; at ang mga mapag-isip sa lahat ng dako ay may pagkabalisang nagtatanong, Ano ang puwedeng gawin upang maiwasto ang mga nakababahalang kasamaang ito? Ang sagot ay matatagpuan sa utos ni Pablo kay Timoteo, “Ipangaral mo ang salita” (2 Timoteo 4:2.) Sa Biblia lamang matatagpuan ang mga ligtas na prinsipyo ng pagkilos. Ito’y isang talaan ng kalooban ng Diyos, isang pahayag ng makalangit na karunungan. Binubuksan nito sa ating pang-unawa ang mga dakilang suliranin ng buhay, at sa lahat nang makikinig nang mabuti sa mga alituntunin nito, ito’y mapapatunayan bilang di-nagkakamaling patnubay, na iingatan sila mula sa pagsasayang ng kanilang mga buhay sa maling pagsisikap. PnL
Ipinahayag ng Diyos ang Kanyang kalooban, at isang kamangmangan ang pagdudahan ang bagay na lumabas sa Kanyang mga labi. Matapos magsalita ang Walang Hanggang Karunungan, walang anumang maaaring nagdududang mga katanungan ang kailangan nating ayusin, walang nag-aalinlangang mga posibilidad ang kailangang baguhin. Ang tanging hinihingi sa atin ay isang tahasan, taimtim na pagsang-ayon sa inihayag na kalooban ng Diyos. Ang pagsunod ang pinakamataas na dikta ng katuwiran, gayundin ng budhi.—The Acts of The Apostles, pp. 505, 506. PnL