Pauwi Na Sa Langit

86/364

Manalig Sa Sinasabi Ng Diyos, Marso 27

Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang. Marcos 5:36. PnL

Hindi mo mababayaran ang dati mong mga kasalanan; hindi mo mababago ang iyong puso at magagawang banal ang iyong sarili. Ngunit nangangako ang Diyos na gawin ang lahat ng ito sa pamamagitan ni Cristo. Manalig ka sa pangakong iyon. Ipagtapat ang iyong mga kasalanan at ibigay ang iyong sarili sa Diyos. Ang iyong kalooban na maglingkod sa Kanya. Kapag tiyak mo itong nagawa, tutuparin ng Diyos ang Kanyang salita sa iyo. Kung maniniwala ka sa pangako—maniwalang napatawad at nalinis ka na— itinutustos ng Diyos ang katotohanan; ikaw ay ginawang buo, gaya ng lakas na ibinigay ni Cristo sa isang paralitiko upang makalakad nang maniwala ang lalaki na siya at gumaling na. Ganito rin ang mangyayari kung maniniwala ka dito. Huwag nang hintaying pang maramdaman na ikaw ay nabuo, kundi sabihing, “Pinaniwalaan ko ito; at ito’y nangyari, hindi dahil sa nadama ko ito, kundi ipinangako ito ng Diyos.”—Steps To Christ, p. 51. PnL

Inihahayag ng kautusan sa atin ang ating mga kasalanan, ngunit hindi ito nagbibigay ng lunas. Bagaman nangangako ito ng buhay sa masunurin, idinideklara nitong kamatayan ang bahagi ng mga sumasalangsang. Tanging ang ebanghelyo ni Cristo ang makapagpapalaya sa kanila sa hatol at karumihan ng kasalanan. Dapat silang magsisi sa Diyos, na Siyang nagtatag ng kautusan na iyong sinalangsang; at manampalataya kay Cristo, na kanilang nagbabayad-salang handog. Kaya naman, nagtatamo sila ng “pagpapatawad sa mga nagdaang kasalanan” at nagiging mga kabahagi ng makalangit na likas. Sila ay mga anak ng Diyos, dahil natanggap nila ang espiritu ng pag-aampon, na sa pamamagitan nito’y nakasisigaw sila ng “Abba, Ama!” . . . PnL

Sa bagong pagkapanganak ay nadadala ang puso sa pakikiayon sa Diyos, samantalang ito’y dinadala sa pakikiayon sa Kanyang kautusan. Kapag naganap ang dakilang pagbabagong ito sa mga makasalanan, lumampas na sila mula sa kamatayan tungo sa buhay, mula sa kasalanan tungo sa kabanalan, mula sa pagsaway at rebelyon tungo sa pagsunod at katapatan. Natapos na ang dating buhay ng pagkahiwalay sa Diyos; nagsimula na ang bagong buhay ng pakikipagkasundo, ng pananampalataya at pag-ibig. Pagkatapos, “ang katuwiran ng kautusan” ay “matutupad sa atin, na hindi na lumalakad ayon sa laman, ngunit ayon sa Espiritu.” (Roma 8:4.) At ang lengguwahe ng kaluluwa ay magiging “O mahal na mahal ko ang Iyong kautusan! Ito’y siya kong binubulay-bulay sa buong araw.” (Awit 119:97.) . . . PnL

Kung walang kautusan, walang magiging matuwid na pagkaunawa ang mga tao tungkol sa kadalisayan at kabanalan ng Diyos o sa kanilang sariling kasalanan at karumihan. Wala silang magiging tunay na kumbiksyon sa kasalanan at hindi nila mararamdaman ang pangangailangan ng pagsisisi. Dahil hindi nakikita ang kanilang nagkasalang katayuan bilang lumalabag ng kautusan ng Diyos, hindi nila napagtatanto ang pangangailangan sa nagbabayad-salang dugo ni Cristo. Tinatanggap ang pag-asa ng kaligtasan nang walang radikal na pagbabago ng puso at repormasyon ng buhay. Kaya sumasagana ang mga kumbersyon, at napakarami ang naisasama sa iglesyang hindi pa kailanman naging kaisa kay Cristo.— The Great Controversy, pp. 467, 468. PnL