Pauwi Na Sa Langit

85/364

Ang Bagong Pagkapanganak, Marso 26

Katotohanang sinasabi Ko sa iyo, Malibang ang isang tao'y ipanganak na muli, ay hindi niya makikita ang kaharian ng langit. Juan 3:3. PnL

Ang pag-aangkin na si Cristo sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus ay pinawalang-bisa ang kautusan ng Kanyang Ama ay walang pundasyon. Kung posibleng mabago at maisantabi ang kautusan, hindi na kailangang mamatay si Cristo sa krus upang iligtas tayo sa parusa ng kasalanan. Ang kamatayan ni Cristo, na malayo sa pagpapawalang-bisa sa kautusan, ay nagpapatunay na ito ay di-nababago. PnL

Ang kautusan ng Diyos, mula sa mismong likas nito, ay di-mababago. Ito’y kapahayagan ng kalooban at ng karakter ng May-akda nito. Ang Diyos ay pag-ibig at ang Kanyang utos ay pag-ibig. Ang dalawang dakilang prinsipyo nito ay pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa tao. “Ang pag-ibig ang siyang katuparan ng kautusan.” (Roma 13:10.) Ang karakter ng Diyos ay katuwiran at katotohanan; ito ang likas ng Kanyang kautusan. Siansabi ng Mang-aawit, “Ang kautusan Mo’y katotohanan.” “ang mga utos Mo ay matuwid.” (Awit 119:142, 172.) At ipinapahayag ni apostol Juan, “Kaya’t ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti.” (Roma 7:12.) Ang ganitong kautusan, bilang isang ekspresyon ng kaisipan at kalooban ng Diyos, ay tiyak na di-nagmamaliw gaya ng May-akda nito. PnL

Ang gawain ng pagkumberte at pagpapakabanal ay upang pagkasunduin ang mga lalaki at babae sa Diyos sa pamamagitan ng pagdadala sa kanila na maging kaayon ng mga prinsipyo ng Kanyang kautusan. Nang pasimula, ang mga tao ay nilikha ayon sa larawan ng Diyos. Sila’y nasa sakdal na pakikiisa sa kalikasan at kautusan ng Diyos, nakasulat sa kanilang mga puso ang mga prinsipyo ng katuwiran. Ngunit inihiwalay sila ng kasalanan mula sa kanilang Manlilikha. Hindi na nila ipinapakita ang larawan ng Diyos. Laban na ang kanilang mga puso sa mga prinsipyo ng kautusan ng Diyos. “Sapagkat ang kaisipan ng laman ay pagkapoot laban sa Diyos; sapagkat hindi to napapasakop sa kautusan ng Diyos, ni hindi nga maaari.” (Roma 8:7.) Ngunit “gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang tanging Anak,” upang maipagkasundo tayo sa Diyos. Sa pamamagitan ng mga merito ni Cristo, maaari tayong maibalik sa pakikiisa sa ating Manlilikha. Dapat mabagong-muli ang ating mga puso ayon sa biyaya ng langit; dapat tayong magkaroon ng bagong buhay mula sa itaas. Ang pagbabagong ito ang bagong pagkapanganak, kung wala ito, sinasabi ni Jesus na “hindi natin makikita ang kaharian ng Diyos.” PnL

Ang unang hakbang sa pakikipagkasundo sa Diyos ay ang kumbiksyon sa kasalanan. “Ang kasalanan ay ang pagsuway sa kautusan.” “Sapagkat sa pagkakilala ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.” (1 Juan 3:4; Roma 3:20.) Upang makita ang kanilang kasalanan, kailangang subukin ng makasalanan ang kanilang mga karakter sa pamamagitan ng dakilang pamantayan ng katuwiran ng Diyos. Isa itong salamin na nagpapakita ng kasakdalan ng isang matuwid na karakter at nagbibigay kakayahan sa kanilang maunawaan ang mga depekto sa kanilang sarili.— The Great Controversy, pp. 466, 467. PnL