Pauwi Na Sa Langit

83/364

Ano Ang Mali Sa Pagpapaliban? Marso 24

Umalis ka muna ngayon at kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay ipapatawag kita. Gawa 24:25. PnL

Mag-ingat sa pagpapaliban. Huwag mong ipagpaliban ang gawain ng pagtalikod sa iyong mga kasalanan at paghahangad sa kadalisayan ng puso sa pamamagitan ni Jesus. Dito nagkakamali ang libu-libo sa kanilang walang hanggang kapahamakan. PnL

Hindi ako magtatalakay dito tungkol sa kaiklian at sa kawalang katiyakan ng buhay; ngunit mayroong kakila-kilabot na panganib—isang panganib na hindi sapat na nauunawaan—sa pagpapaliban sa pagsuko sa nagsusumamong tinig ng Banal na Espiritu ng Diyos, sa pagpiling mamuhay sa kasalanan; para sa kanila talaga ang pagkaantala. Ang kasalanan gaano man ito kaliit na pinapahalagahan, ay maaaring pagsawaan lamang sa panganib ng walang hanggang kapahamakan. Ang hindi natin napagtatagumpayan, ay tatalo sa atin at gagawa para sa ating kawasakan. PnL

Nahikayat nina Adan at Eva ang kanilang mga sarili na sa napakaliit na bagay gaya ng pagkain ng ipinagbabawal na bunga ay walang magiging bunga na ganitong kakila-kilabot na kahihinatnan tulad nang idineklara ng Diyos. Ngunit ang ganitong maliit na bagay ay pagsalangsang sa di-nagbabago at banal na kautusan ng Diyos, at ito ang naghiwalay sa sangkatauhan mula sa Diyos at nagbukas ng mga pintuan ng kamatayan at di-masayod na kahirapan sa ating sanlibutan. Sa bawat nagdaang panahon ay nagkaroon ng patuloy na pagtangis ng pagdadalamhati sa lupa, at ang buong nilikha ay dumadaing at naghihirap na magkakasama sa kirot na bunga ng pagsuway ng ating unang mga magulang. Naramdaman mismo ng Langit ang mga epekto ng pagrerebelde ng tao laban sa Diyos. Ang Kalbaryo ay tumatayo bilang bantayog sa kahanga-hangang sakripisyong kinakailangan upang makapagbayad-sala sa pagsalangsang sa kautusan ng Diyos. Huwag nating ituring ang kasalanan bilang isang bagay na walang kabuluhan. PnL

Bawat kilos ng pagsalangsang, bawat pagkalimot o pagtanggi sa biyaya ni Cristo, ay umaapekto sa iyong sarili; ito ay nagpapatigas ng puso, nagpapasama sa kalooban, nagpapamanhid ng pang-unawa, at hindi ka lamang nito ginagawang di-gaanong nakahilig sa pagsuko, kundi binabawasan ang iyong kakayahang sumuko, sa malumanay na pagsusumamo ng Banal na Espiritu ng Diyos. . . . PnL

Kahit isang maling katangian ng karakter, isang makasalanang pagnanasa, na matiyagang pinananatili, ay kalaunang magpapahina ng lahat ng kapangyarihan ng ebanghelyo. Ang bawat makasalanang pagpapakasasa ay nagpapatibay sa pag-ayaw ng kaluluwa sa Diyos. Yaong mga nagpapakita ng isang makasalanang katigasan ng ulo, o isang pagsama ng pagwawalang-bahala sa katotohanan ng Diyos, ay nag-aani lamang ng ani mula sa kanila mismong itinanim. Sa buong Biblia ay wala nang mas nakatatakot pang babala laban sa pakikipaglaro sa kasamaan kaysa mga salita ng matalinong tao kung saan ang makasalanan ay “nabibitag sa sarili niyang kasamaan.” (Kawikaan 5:22.)— Steps To Christ, pp. 32-34. PnL