Pauwi Na Sa Langit
Ang Unang Hakbang Sa Pagtanggap, Marso 22
Siyang nagtatakip ng kanyang pagsuway ay hindi sasagana, ngunit ang nagpapahayag at tumatalikod ay sa mga iyon ay magtatamo ng awa. Kawikaan 28:13. PnL
Yaong mga hindi nagpakumbaba sa kanilang mga sarili sa harap ng Diyos sa pagamin ng kanilang mga kasalanan, ay hindi pa tumutupad sa unang kondisyon ng pagtanggap. Kung hindi pa natin naranasan ang pagsisising iyon na hindi pagsisisihan, at wala pang tunay na kapakumbabaan ng kaluluwa at pagkadurog ng puso na magtapat ng ating mga kasalanan, na kinasusuklaman ang ating kasamaan, hindi pa natin tunay na hinanap ang kapatawaran ng kasalanan, at kung hindi natin kailanman hinanap, hindi pa natin kailanman natagpuan ang kapayapaan ng Diyos. Ang tanging dahilan kung bakit wala tayong kapatawaran sa ating mga kasalanan noong nakalipas ay hindi pa tayo nagkusang-loob na magpakumbaba ng ating mga puso at sumunod sa mga kondisyon ng mga salita ng katotohanan. Ibinigay ang mga tiyak na tagubilin tungkol sa bagay na ito. Ang pagpapahayag ng kasalanan, ito man sa karamihan o sa pansarili, ay dapat taos-sa-puso at malayang sinabi. Ito ay hindi dapat na ipinilit sa nagkasala. Ito ay hindi dapat gawin sa isang walang-galang at walang-ingat na paraan, o pinilit mula roon sa mga di-nakauunawa kung gaano kasuklam-suklam ang karakter ng kasalanan. Ang pagpapahayag na pagbubuhos mula sa kaibuturan ng puso ay aabot sa Diyos na may walang hanggang awa. Sinasabi ng mang-aawit, “Ang Panginoon ay malapit sa pusong wasak, at iniligtas ang mga may bagbag na diwa.” (Awit 34:18.) PnL
Ang tunay na pagpapahayag ay laging may isang tiyak na katangian, at kinikilala ang partikular na kasalanan. Ang mga ito’y maaaring isang uri na sa Diyos lamang dapat sabihin; mga pagkakamaling dapat ipagtapat sa mga taong nakaranas ng pinsala nito; mga nagawa sa publiko, at dapat ipagtapat sa publiko. Datapwat lahat ng pagpapahayag ay dapat maging tiyak at diretso sa punto, na kinikilala ang mismong mga kasalanang nagawa. . . . PnL
Ang pagpapahayag ng kasalanan ay hindi magiging katanggap-tanggap sa Diyos kung walang taimtim na pagsisisi at pagbabago. Dapat magkaroon ng tiyak na pagbabago sa buhay; lahat ng kasuklam-suklam sa Diyos ay dapat alisin. Ito ang dapat na maging bunga ng tunay na kalungkutan para sa kasalanan. Ang gawaing dapat nating gawin ay maliwanag na naihanda na sa atin: “Maghugas kayo ng inyong sarili, maglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong gawa sa Aking paningin; tumigil kayo sa paggawa ng inyong kasamaan.” (Isaias 1:16.) . . . Sinasabi ni Pablo tungkol sa gawain ng pagsisisi: “Sapagkat tingnan ninyo kung ano ang ibinunga sa inyo ng kalungkutan ito na naaayon sa Diyos, kung anong pagtatanggol sa inyong mga sarili.” (2 Corinto 7:11.)— Steps To Christ, pp. 37-39. PnL