Pauwi Na Sa Langit
Isang Halimbawa Ng Pagsisisi, Marso 21
Lumalang Ka sa akin ng isang malinis na puso, O Diyos. Awit 51:10. PnL
Kapag nagpasakop ang puso sa impluwensya ng Espiritu ng Diyos, mababago ang konsensya, at mauunawaan ng mga makasalanang tao ang isang bagay tungkol sa lalim at kabanalan ng kautusan ng Diyos, ang pundasyon ng Kanyang pamahalaan sa langit at sa lupa. Ang “Ilaw, na tumatanglaw sa bawat dumarating sa sanlibutan,” ay nagliliwanag sa mga lihim na silid ng kaluluwa, at ang mga nakatagong bagay ng kadiliman ay nahayag. (1 Juan 1:9.) Nanghahawak ang pananalig sa puso at isipan. Ang mga makasalanan ay may diwa ng katuwiran ni Yahweh at nadarama ang takot ng pagpapakita, sa kanilang sariling kasalanan at karumihan, sa harap ng Nagsasaliksik ng mga puso. Nakikita nila ang pag-ibig ng Diyos, ang kagandahang kabanalan, at ang ligaya ng kadalisayan; kanilang hinangad na maging malinis at muling ibalik ang pakikipag-usap sa Langit. PnL
Ang panalangin ni David pagkatapos niyang magkasala, ay naglalarawan ng likas ng tunay na kalungkutan sa kasalanan. Ang kanyang pagsisisi ay taos-puso at malalim. Walang pagsisikap para pawalang-halagahan ang kanyang kasalanan; walang pagnanais na takasan nagbabantang hatol, ang nagbigay inspirasyon sa kanyang panalangin. Nakita ni David ang kalubhaan ng kanyang kasalanan; nakita niya ang karumihan ng kanyang kaluluwa, kinasuklaman niya ang kanyang kasalanan. Hindi lamang pagpapatawad ang kanyang ipinanalangin, kundi kadalisayan ng puso. Hinangad niya ang kaligayahan ng kabanalan—na maibalik muli ang kaayusan at pakikipagniig sa Diyos. . . PnL
Ang pagsisising gaya nito, ay hindi kayang ganapin ng sarili nating mga kakayahan; natatamo lamang ito mula kay Cristo; na umakyat sa langit at nagbibigay ng mga kaloob sa mga tao. . . . PnL
Hindi itinuturo ng Biblia na kailangan munang magsisi ng mga makasalanan bago nila pakinggan ang paanyaya ni Cristo na, “Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan” (Mateo 11:28). Ang kabanalang nagmumula kay Cristo ang naghahatid sa tunay na pagsisisi. Ginawang malinaw ni Pedro ang bagay na ito sa mga Israelita nang sabihin niyang, “Siya’y itinaas ng Diyos sa kanyang kanang kamay bilang Pinuno at Tagapagligtas, upang bigyan ang Israel ng pagkakataong magsisi at kapatawaran ng mga kasalanan.” (Gawa 5:31.) Hindi tayo maaaring magsisi kapag wala ang Espiritu ni Cristo para gisingin ng konsensya at hindi rin tayo puwedeng patawarin kung wala si Cristo. PnL
Si Cristo ang pinagmulan ng bawat tamang udyok. Siya lang ang makapagtatanim sa puso ng pagkapoot sa kasalanan. Bawat pagnanais sa katotohanan at kadalisayan, ang bawat kumbiksyon sa ating sariling kasamaan, ay ebidensya na kumikilos ang Kanyang Espiritu sa ating mga puso.— Steps To Christ, pp. 24-26. PnL