Pauwi Na Sa Langit
Pag-Abot Sa Diyos, Marso 20
Ngunit hanapin muna ninyo ang Kanyang kaharian at ang Kanyang katuwiran. Mateo 6:33. PnL
Walang sinuman sa mga apostol at propeta ang nag-angkin kailanman na wala silang kasalanan. Ang mga lalaki at babaing nabuhay na napakalapit sa Diyos, na handang magbuwis ng kanilang buhay kaysa gumawa ng sinasadyang maling gawain, na pinarangalan ng Diyos ng liwanag ng langit at kapangyarihan, ay nagpahayag ng pagkamakasalanan ng kanilang mga likas. Wala silang inilagay na pagtitiwala sa laman, at nag-angkin ng katuwiran sa kanilang mga sarili, ngunit lubos na nagtiwala sa katuwiran ni Cristo. PnL
Ganito rin dapat sa lahat na tumingin kay Cristo. Habang lumalapit tayo kay Jesus, at habang mas malinaw nating napagtatanto ang kadalisayan ng kanyang karakter, ay mas malinaw nating makikita ang sobrang kasamaan ng kasalanan, at hindi natin itataas ang ating mga sarili. Magkakaroon ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng kaluluwa sa Diyos, isang patuloy, taimtim, at nakadudurog pusong pagpahahayag ng kasalanan at ang pagpapakumbaba ng puso sa harap Niya. Sa bawat hakbang na pasulong sa ating karanasang Cristiano, lalalim ang ating pagsisisi. Ating malalaman na kay Cristo lang ang ating kasapatan at ang gagawin natin sa ating mga sarili ang pagpapahayag ng apostol, “Sapagkat nalalaman ko na walang nananatiling mabuti sa akin, samakatuwid ay ang laman.” “Subalit huwag nawang mangyari sa akin ang magmalaki, maliban sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan nito ang sanlibutan ay ipinako sa krus para sa akin, at ako’y sa sanlibutan.” (Roma 7:18; Galacia 6:14.) PnL
Hayaang isulat ng mga nagtatalang anghel ang kasaysayan ng banal na pakikipagpunyagi at pakikipaglaban ng bayan ng Diyos; hayaang isulat nila ang kanilang mga panalangin at luha; ngunit huwag pahintulutang malapastangan ang Diyos mula sa pahayag ng mga labi ng tao, “Ako ay walang kasalanan. Ako ay banal.” Ang mga pinabanal na labi ay hindi kailanman magsasabi ng ganitong mga maykapangahasang salita. . . . PnL
Hayaang tumingin sa salamin ng utos ng Diyos ang mga nakadaramang nakahilig silang magsalita ng mataas na paghahayag ng kabanalan. Habang nakikita nila ang malayong naaabot na mga pag-angkin, at nauunawaan ang mga gawa nito bilang isang nakakikita ng mga isipan at layunin ng puso, hindi sila magmamayabang ng kawalan ng kasalanan. “Kung sinasabi nating,” sabi ni Juan, na hindi niya inihihiwalay ang kanyang sarili mula sa kanyang mga kapatid, “tayo’y hindi nagkasala, ginagawa natin siyang sinungaling at ang mag salita ay wala sa atin.” (1 Juan 1:10.) . . . PnL
Kung mananatili tayo kay Cristo, kung naninirahan sa puso ang pag-ibig ng Diyos, ang ating mga damdamin, ang ating mga iniisip, at ating mga pagkilos, ay magiging kaayon ng kalooban ng Diyos. Ang pinabanal na puso ay magiging kaayon ng mga alituntunin ng kautusan ng Diyos.— The Acts Of The Apostles , pp. 561-563. PnL