Pauwi Na Sa Langit

78/364

Ang Pagsisisi Ay . . . !, Marso 19

Sapagkat ang kalungkutang ayon sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi tungo sa kaligtasan. 2 Corinto 7:10. PnL

Paano magiging matuwid sa Diyos ang sinuman? Paano magiging makatuwiran ang isang makasalanan? Ito’y sa pamamagitan lamang ni Cristo na tayo ay magiging kasunod ng Diyos, na may kabanalan; ngunit paano tayo makakalapit kay Cristo? Marami ang nagtatanong ng kaparehong tanong gaya ng karamihan noong panahon ng Pentecostes, nang dahil [sila’y] inusig ng kasalanan, ay sumigaw sila, “Ano ang dapat naming gawin?” Ang unang salitang sinagot ni Pedro ay, “Magsisi.” (Gawa 2:37, 38.) At sa ibang pagkakataon, matapos ito, ay sinabi niyang, “Magsisisi. . . . at magbalik loob, upang mapawi ang inyong mga kasalanan.” (Gawa 3:19.) PnL

Kasama sa pagsisisi ang pagkalungkot sa pagkakasala at paglayo rito. Hindi natin itatakwil ang kasalanan malibang makita natin ang kasamaan nito, hanggang sa lumayo tayo mula rito sa puso, hindi magkakaroon ng tunay na pagbabago sa buhay. PnL

Marami ang nabibigong unawain ang tunay na likas ng pagsisisi. Marami ang nalulungkot dahil sila’y nagkasala at sila pa nga ay gumawa ng isang panlabas na repormasyon dahil takot na magdulot ang kanilang pagkakamali ng paghihirap sa kanila. Ngunit hindi ito pagsisisi ayon sa isipan ng Biblia. Itinataghoy nila ang pagdurusa kaysa kasalanan. Ganito ang naging kalungkutan ni Esau nang makita niyang nawala na sa kanya ang pagkapanganay (birthright) magpasawalang hanggan. Kinilala ni Balaam, dahil natakot sa anghel na nasa kanyang daraanan na may hawak na espada, ang kanyang kasalanan dahil kung hindi ay mawawalan siya ng buhay; ngunit walang tunay na pagsisisi sa kasalanan, walang pagbabago ng layunin, walang pagkasuklam sa kasamaan. Si Judas Iscariote, matapos niyang ipagkanulo ang Panginoon ay sumigaw, “Ako’y nagkasala sa pagkakanulo sa dugong walang sala.” (Mateo 27:4.) PnL

Ang paghahayag ng kanyang kasalanan ay pilit mula sa kanyang makasalanang kaluluwa dahil sa isang nakakikilabot na hatol at isang nakatatakot na pananaw sa paghatol. Ang mga parusang magiging bunga sa kanya ay pumuno sa kanya ng matinding sindak, ngunit walang malalim at nakadudurog ng pusong pagdadalamhati sa kanyang kaluluwa, dahil kanyang ipinagkanulo ang Anak ng Diyos at itinakwil ang Banal na Isa ng Israel. Si Faraon, nang siya’y naghihirap dahil sa mga hatol ng Diyos, ay kinilala ang kanyang mga kasalanan upang makatakas sa mga hinaharap na parusa, ngunit bumalik sa paglaban sa langit matapos na ang mga salot ay nawala. Silang lahat ay nagdalamhati dahil sa bunga ng kasalanan, ngunit hindi nalungkot mismo sa kasalanan.— STEPS TO CHRIST , pp. 23, 24. PnL