Pauwi Na Sa Langit

6/364

Mamuhay Sa Kapaligiran Ng Langit, Enero 5

Tumawag ka sa Akin, at Ako'y sasagot sa iyo, at magsasabi sa iyo ng mga dakila at makapangyarihang bagay. Jeremias 33:3. PnL

Ang lahat na mayroong dalisay at madaling maturuang espiritu na nag-aaral ng Kasulatan, na nagsisikap na maunawaan ang mga katotohanan nito, ay magkakaroon ng ugnayan sa may-Akda nito; at, maliban sa kanilang sariling pagpili, walang limitasyon sa mga posibilidad ng kanilang pag-unlad. PnL

Sa malawak na sakop ng istilo at mga paksa nito, ang Biblia ay may bagay na pupukaw ng isipan at gigising sa bawat puso. Matatagpuan sa mga pahina nito ang pinakasinaunang kasaysayan; tunay na talambuhay; mga prinsipyo ng pamahalaan para sa pagkontrol ng estado, para sa pagsasaayos ng sambahayan—mga prinsipyong hindi kayang pantayan ng karunungan ng tao. Naglalaman ito ng pinakamalalim na pilosopiya, ng pinakamatamis at pinakamarilag na tula, ang pinakamakabagbag-puso at pinakakahabag-habag. Ang mga sulat ng Biblia ay may halagang di-masusukat ang kahigitan kaysa produksyon ng anumang isinulat ng tao, kahit na kung isasaalangalang ang gayon; lubos na mas malawak ang nasasakupan at lubos na mas higit ang halaga ng mga ito, kung titingnan ayon sa kanilang relasyon sa dakila at pangunahing isipan. Kung titingnan mula sa liwanag ng isipang ito, ang bawat paksa ay mayroong bagong kahalagahan. Sa pinakasimpleng inihayag na katotohanan ay mayroong mga prinsipyong kasing taas ng langit at sumasakop sa walang hanggan. . . . PnL

Habang nasa kanilang mga kamay ang salita ng Diyos, maaaring magkaroon ng ganitong pakikisama ang lahat ng tao saanman maitalaga ang kanilang buhay, ayon sa kanilang pipiliin. Sa mga pahina nito’y maaari silang makipag-usap sa pinakamarangal at pinakamabuti sa lahi ng tao, at maaari silang makinig sa tinig ng Walang Hanggan habang Siya’y nagsasalita sa sangkatauhan. Habang sila’y nag-aaral at nagbubulaybulay sa mga temang “pinanabikan ng mga anghel na makita” (1 Pedro 1:12), maaari silang magkaroon ng pakikisama. Maaari silang sumunod sa makalangit na Guro, at makinig sa Kanyang tinig habang Siya’y nagtuturo sa bundok at kapatagan at dagat. Maaari silang manirahan sa mundong ito sa ilalim ng kapaligiran ng langit, habang ibinabahagi sa mga taong nasa sanlibutan na nalulumbay at tinutukso ang mga isipan ng pag-asa at pagnanasa para sa kabanalan, na sila mismo ay lumalapit nang lumalapit sa pakikisama sa Hindi Nakikita; tulad niyang lumakad kasama ng Diyos noong unang panahon, na lumakad palapit nang palapit sa kinalalagyan ng walang hanggang sanlibutan, hanggang sa mabuksan ang mga pintuan, at sila’y papasok doon. Matutuklasan nilang sila’y hindi mga banyaga. Ang mga tinig na sasalubong sa kanila ay mga tinig ng mga banal, na, bagaman di-nakikita, ay kanilang mga kasama sa lupa— mga tinig na natutuhan nilang makilala at mahalin. Ang mga taong sa pamamagitan ng Kasulatan ay nabuhay na kasama ng langit, ay matatagpuan ang kanilang mga sariling sanay na mabuhay sa pakikisama sa langit.— Education, pp. 125, 127. PnL