Pauwi Na Sa Langit

77/364

Ang Pagpapakabanal Ay Isang Doktrina Ng Biblia, Marso 18

Pabanalin mo sila sa katotohanan, ang salita mo'y katotohanan. Juan 17:17. PnL

Ang mga maling teorya ng pagpapakabanal na nagmula sa paglimot o pagtakwil sa banal na utos, ay mayroong mahalagang posisyon sa mga kilusan ng relihiyon sa panahong ito. Ang mga teoryang ito ay mali sa doktrina at mapanganib sa mga praktikal na resulta; at ang katotohanan na mayroong pangkalahatang pagsang-ayon ang mga ito, na mag-uukol ng dobleng pangangailangan na lahat ay magkaroon ng malinaw na pagkaunawa kung ano ang itinuturo ng Kasulatan sa puntong ito. PnL

Ang tunay na pagpapakabanal ay isang doktrina ng Biblia. Si apostol Pablo, sa kanyang sulat sa iglesya sa Tesalonica ay nagpahayag: “Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos, ang inyong pagpapakabanal.” At nanalangin siya: “Pakabanalin nawa kayong lubos mismo ng Diyos ng kapayapaan.” (1 Tesalonica 4:3; 5:23.) Malinaw na itinuturo ng Biblia kung ano ang pagpapakabanal at kung paano ito maaabot. Nanalangin ang Tagapagligtas para sa mga alagad: “Pabanalin Mo sila sa katotohanan, ang salita Mo’y katotohanan.” (Juan 17:17.) At itinuturo ni Pablo na ang mga mananampalataya ay “ginawang banal ng Espiritu Santo.” (Roma 15:16.) Ano ang gawain ng Banal na Espiritu? Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad, “Subalit kapag dumating na ang Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan.” (Juan 16:13.) Ang sinabi ng Mangaawit: “Ang Iyong kautusan ay katotohanan.” Sa pamamagitan ng salita at ng Espiritu ng Diyos ay nabuksan sa atin ang mag dakilang prinsipyo ng katuwiran na nakapaloob sa Kanyang kautusan. At dahil sa ang kautusan ng Diyos ay “banal, at makatuwiran, at mabuti,” isang kopya ng kasakdalan ng Diyos, sumusunod dito ang karakter na nabubuo sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusang iyon ay magiging banal. Si Cristo ang sakdal na halimbawa ng ganitong karakter. Sinabi Niya: “Aking tinupad ang mga utos ng aking Ama.” “Lagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kanya.” (Juan 15:10; 8:29.) Ang mga tagasunod Niya ay dapat na maging tulad Niya—sa biyaya ng Diyos na bumuo ng mga karakter na kaayon sa mga prinsipyo ng Kanyang banal na kautusan. Ito ang pagpapakabanal ayon sa Biblia. PnL

Matatapos lang ang ganitong gawain sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng naninirahang Espiritu ng Diyos. Pinagsabihan ni Pablo ang mga mananampalataya: “Isagawa ninyo ang inyong kaligtasan na may takot at panginginig. Sapagkat ang Diyos ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanais at sa paggawa, para sa kanyang mabuting kalooban.” (Filipos 2:12, 13.) Madarama ng mga Cristiano ang panunukso ng kasalanan, ngunit pananatilihin nila ang patuloy na pakikipagbaka laban dito. Dito nangangailangan ng tulong ni Cristo. Isinama ang kahinaan ng tao sa lakas ng Diyos, at sumigaw ang pananampalataya: “Subalit salamat sa Diyos, na nagbigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. (1 Corinto 15:57.)— The Great Controversy, pp. 469, 470. PnL