Pauwi Na Sa Langit

76/364

Ang Pagpapakabanal Ay . . . ! Marso 17

Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos, ang inyong pagpapakabanal. 1 Tesalonica 4:3. PnL

Kung paanong banal ang Diyos ayon sa Kanyang katayuan, gayundin dapat maging banal ang mga nagkasalang nilalang ayon sa kanilang katayuan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. . . . PnL

Ang pagpapakabanal ng iglesya ang layunin ng Diyos sa lahat ng Kanyang pakikitungo sa Kanyang bayan. Pinili Niya sila mula pa sa walang hanggan, upang sila ay maging banal. Ibinigay Niya ang Kanyang Anak upang mamatay para sa kanila, upang sila ay maging banal sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan, na hinubaran ng lahat ng maliliit na bagay ng sarili. Sila’y hinihilingan Niya ng personal na paggawa at personal na pagpapasakop. Mapararangalan lamang ang Diyos ng mga taong nagpapakilalang naniniwala sa Kanya, kung sila ay nabago ng sa Kanyang larawan at napamahalaan ng Espiritu. Kung gayon, bilang mga saksi ng Tagapagligtas, maaari nilang ipahayag kung ano ang nagawa sa kanila ng biyaya ng Diyos. PnL

Dumarating ang tunay na pagpapakabanal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng prinsipyo ng pag-ibig. “Ang Diyos ay pag-ibig at ang nananatili sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili sa kanya.” (1 Juan 4:16.) Ang buhay ng mga taong may mga pusong tinatahanan ni Cristo, ay magpapakita ng praktikal na kabanalan. Ang karakter ay magiging dalisay, napataas, napadakila, at naluwalhati. Ang purong doktrina ay hahalo sa mga gawa ng katuwiran; ang mga makalangit na alituntunin ay lalahok sa mga gawaing banal. PnL

Dapat munang matutuhan ng mga magtatamo ng pagpapala ng pagpapakabanal ang pagsasakripisyo sa sarili. . . . Ito ang samyo ng ating pag-ibig para sa iba na nagpapakita ng ating pag-ibig sa Diyos. Ito’y ang pagtitiyaga sa paglilingkod na nagdadala ng kapahingahan ng kaluluwa. Naitataguyod ang kabutihan ng Israel sa pamamagitan ng mapagpakumbaba, masigasig, at tapat na paggawa. Itinataas at pinalalakas ng Diyos ang isa na kusang-loob na sumunod sa landas ni Cristo. PnL

Ang pagpapakabanal ay hindi isang gawain sa isang saglit, isang oras, isang araw, kundi nang buong buhay. Ito’y hindi nakukuha sa pamamagitan ng masaya at naguumapaw na damdamin, kundi ito’y bunga ng patuloy na kamatayan sa kasalanan, at patuloy na pamumuhay kay Cristo. Ang mga kamalian ay hindi maitutuwid o magkakaroon ng pagbabago sa isang karakter sa pamamagitan ng mahina at paminsan-minsang pagsisikap. Sa pamamagitan lang ng mahaba, matiyagang pagsisikap, masikap na pagdisiplina, at mahigpit na pakikipaglaban, na tayo ay magtatagumpay. Hindi natin alam na isang araw kung gaano kalakas ang ating magiging pakikibaka sa susunod [na araw]. Hangga’t si Satanas ang namumuno, mayroon tayong sarili na dapat supilin, nakapanlulumong kasalanan na dapat pagtagumpayan, habang ang buhay ay magtatagal, walang lugar na titigilan, walang yugtong ating maaabot at masasabing, Lubos ko nang naabot, ang Kabanalan ay bunga ng buong buhay na pagsunod.— The Acts Of The Apostles, pp. 559-561. PnL