Pauwi Na Sa Langit
Ang Gawain Ng Banal Na Espiritu, Marso 12
Subalit kapag dumating na ang Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan. Juan 16:13. PnL
Ang katungkulan ng Banal na Espiritu ay malinaw na sinabi sa mga salita ni Cristo “At pagdating Niya, Kanyang susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, sa katuwiran, at sa kahatulan” (Juan 16:8.) Banal na Espiritu ang sumusumbat ng kasalanan. Kung tumutugon ang mga makasalanan sa nagpapabagong impluwensya ng Espiritu, madadala sila sa pagsisisi at magigising sa kahalagahan ng pagsunod sa mga banal na alituntunin. PnL
Sa mga nagsisising makasalanan, na nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, inihahayag ng Banal na Espiritu ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan sa sanlibutan. “Sapagkat kanyang tatanggapin ang sa Akin, at sa inyo’y ipapahayag niya,” sinabi ni Cristo, “Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng aking sinabi sa inyo.” (Juan 16:14; 14:26.) PnL
Ibinigay ang Espiritu bilang isang ahensya para sa pagbabago, upang gawing mabisa ang kaligtasang ginawa ng kamatayan ng ating Manunubos. Patuloy na sinisikap ng Espiritu na kunin ang atensyon ng mga tao tungo sa dakilang handog na ginawa sa krus ng Kalbaryo, upang ipakita sa mundo ang pag-ibig ng Diyos, at upang buksan sa mga nahatulang kaluluwa ang mahahalagang bagay sa mga Kasulatan. PnL
Sa pagdala ng kumbiksyon ng kasalanan, at paghayag sa isipan ng pamantayan ng katuwiran, inaalis ng Banal na Espiritu ang pagmamahal sa mga bagay ng sanlibutang ito at pinupuno ang kaluluwa ng pagnanasa sa kabanalan. “Papatnubayan Niya kayo sa lahat ng katotohanan” (Juan 16:13), ang pahayag ng Tagapagligtas. Kung gusto nating mahubog, magkakaroon ng pagpapabanal ng buong pagkatao. Kukunin ng Espiritu ang mga bagay ng Diyos at itatatak ang mga ito sa kaluluwa. Sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, magiging nakapaliwanag ng daan sa buhay na walang sinuman ang magkakamali roon. PnL
Sa simula pa lamang ay gumagawa na ang Diyos kasama ng Kanyang Espiritu sa pamamagitan ng mga taong instrumento para sa pagganap ng Kanyang layunin para sa kapakanan ng nagkasalang lahi. . . . PnL
Ang Espiritu ng Makapangyarihan sa lahat ay kumikilos sa mga puso ng tao, at ang mga tumutugon sa impluwensya nito’y nagiging mga saksi para sa Diyos at para sa Kanyang katotohanan. Maaaring makita ang mga natatalagang lalaki at babae, sa maraming dako, na nagpapahayag sa iba ng liwanag na nagpaunawa sa kanila sa landas ng kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo. At sa pagpapatuloy nilang magliwanag, na gaya ng mga nabautismuhan ng Espiritu noong Araw ng Pentecostes, tumatanggap sila nang higit pang kapangyarihan ng Espiritu. Sa gayon, maliliwanagan ang sanlibutan ng kaluwalhatian ng Diyos.— The Acts Of The Apostles , pp. 52-54. PnL