Pauwi Na Sa Langit
Ang Ebanghelyo Ay Para Sa Lahat, Marso 11
At Ako, kapag Ako'y itinaas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay papalapitin Ko sa Aking sarili. Juan 12:32. PnL
Ang Diyos ay Espiritu, at ang mga sumasamba sa kanya ay kailangang sumamba sa espiritu at katotohanan.” (Juan 4:24.) Dito inihayag ang kaparehong katotohanan na inihayag kay Nicodemus nang sabihin Niyang, “Malibang ang isang tao ay ipanganak na muli ay hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos,” (Juan 3:3.) Hindi sa pamamagitan ng paghahanap ng isang banal na bundok o isang banal na templo nadadala ang mga tao sa isang komunyon sa langit. Ang relihiyon ay hindi dapat na masaklaw ng mga panlabas na porma at seremonya. Ang relihiyong nagmumula sa Diyos ang tanging relihiyong maghahatid sa Diyos. Upang paglingkuran Siya nang tama, dapat tayong ipanganak sa banal na Espiritu. Ito ang magdadalisay sa puso at magbabago sa isipan, na binibigyan tayo ng bagong kakayahang kumilala at umibig sa Diyos. Bibigyan tayo nito ng kusang-loob na pagsunod sa Kanyang mga alituntunin. Ito ang tunay na pagsamba. Ito’y bunga ng pagkilos ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng Espiritu binuo ang bawat taimtim na panalangin, at ang ganitong panalangin ay tinatanggap ng Diyos. Saanmang lugar na may kaluluwang umaabot sa Diyos, doon naihahayag ang paggawa ng Espiritu, at ipahahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa kaluluwang iyon. Ganitong mga mananamba ang Kanyang hinahanap. Naghihintay Siyang tanggapin sila, at gawin silang Kanyang mga anak na lalaki at babae. . . . PnL
Ang imbitasyon para sa ebanghelyo ay hindi dapat gawing makitid, at ipahayag lamang sa iilang pinili, na, inaakala natin, ay pararangalan tayo kung tatanggapin nila ito. Ang mensahe ay dapat na ibigay sa lahat. Saanmang may mga pusong bukas para tanggapin ang katotohanan, nakahanda si Cristo na turuan sila. Inihahayag Niya sa kanila ang Ama, at ang pagsambang katanggap-tanggap sa Kanyang nakababasa ng puso. Hindi Siya gumagamit ng mga talinghaga para sa mga ito. Sa kanila, tulad ng babae sa balon, ay sinabi Niyang, “Ako nga iyon na kumakausap sa iyo.” (Juan 4:26.) . . . PnL
Hindi na naghintay ang Tagapagligtas sa pagtitipon ng kongregasyon. Madalas na sinisimulan Niya ang Kanyang mga liksyon na may kakaunti lamang na nakapaligid sa Kanya, ngunit ang mga dumadaan ay isa-isang tumitigil upang makinig, hanggang napakarami ang makapakinig na may pagkamangha at pagpipitagan sa mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng Gurong isinugo ng langit. Hindi dapat madama ng mga gumagawa para kay Cristo na hindi sila makapagsasalita ng gayong kasigasigan sa kakaunting mga nakikinig kumpara sa isang malaking pulutong. Maaaring mayroon lamang isang makikinig sa mensahe, ngunit sino ang makapagsasabi kung gaano kalawak ang impluwensya nito? Ito’y tila maliit na bagay, kahit na sa Kanyang mga alagad, para pag-ukulan ng panahon ng Tagapagligtas ang isang babaing taga-Samaria. Ngunit nakipangatuwiran Siya nang mas taimtim at mas malinaw sa kanya kaysa mga hari, mga konsehal, o mga punong saserdote. Ang mga liksyong ibinigay Niya sa babaing iyon ay inulit hanggang sa pinakaliblib na lugar.— The Desire Of Ages , pp. 189, 194, 195. PnL