Pauwi Na Sa Langit

69/364

Ano Ang Magagawa Ng Diyos Sa Iyo, Marso 10

At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw ang mga naliligtas. Gawa 2:47. PnL

Para sa mga apostol ng ating Panginoon walang anumang bagay ang makapagbibigay ng kaluwalhatian sa kanilang mga sarili. Kapansin-pansing ang tagumpay ng kanilang mga paggawa ay dahil lang sa Diyos. Ang mga buhay ng mga taong ito, ang mga karakter na umunlad sa kanila, at ang dakilang gawaing ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, ay mga patotoo sa kung ano ang Kanyang gagawin sa lahat ng mga madaling turuan at masunurin. PnL

Yaong mga higit na umiibig kay Cristo ay gagawa nang pinakamaraming kabutihan. Walang limitasyon sa kapakinabangan sa kanilang, sa pamamagitan ng pagsasantabi sa sarili, ay naglalaan ng lugar para sa paggawa ng Banal na Espiritu sa kanilang mga puso, at ipamuhay ang kanilang mga buhay na lubusang nakatalaga sa Diyos. Kung titiisin ng mga lalaki at babae ang kinakailangang disiplina, na walang pagrereklamo o panghihina sa daan, oras-oras at araw-araw silang tuturuan ng Diyos. Ninanais Niyang ihayag ang Kanyang biyaya. Kung aalisin ng Kanyang bayan ang mga hadlang, ibubuhos Niya ang mga tubig ng kaligtasan na may masaganang batis sa pamamagitan ng mga daluyang tao. Kung mabibigyan ng lakas ng loob yaong may mga mapagpakumbabang buhay na gawin ang lahat ng mabuting maaari nilang magawa, kung hindi maipapatong sa kanila ang mga pumipigil na mga kamay upang sugpuin ang kanilang kasigasigan, mayroon na sanang isandaang manggagawa para kay Cristo kung saan ngayon ay may isa lamang. PnL

Tinatanggap ng Diyos ang mga tao sinuman sila, at tinuturuan sila para sa Kanyang gawain, kung magpapasakop sila sa Kanya. Ang Espiritu ng Diyos, na natanggap sa kaluluwa, ay magpapasigla ng lahat ng bahagi nito. Sa ilalim ng pamamatnubay ng Banal na Espiritu, ang isipang lubos na itinalaga sa Diyos ay gumagawang magkakasama, at napalalakas upang maunawaan at maisakatuparan ang mga alituntunin ng Diyos. Ang mahina at nag-aalinlangang karakter ay nababago tungo sa isang malakas at matatag. Ang patuloy na pagtatalaga ay nagtatatag ng isang malapit na relasyon kay Jesus at sa Kanyang mga alagad na anupa’t ang isang Cristiano ay nagiging tulad Niya sa isip at karakter. Sa pamamagitan ng koneksyon kay Cristo magkakaroon ang mga mananampalataya ng mas malinaw at mas malawak na mga pananaw. Ang kanilang pang-unawa ay higit na magiging matalas, at ang kanilang paghatol ay magiging mas balanse. Yaong mga nagnanais na maglingkod kay Cristo at napasisigla sa pamamagitan ng nagbibigay-buhay na kapangyarihan ng Araw ng Katuwiran upang makaya nilang magbunga ng maraming prutas ng kaluwalhatian ng Diyos. PnL

Ang mga taong may pinakamataas na edukasyon sa mga sining at siyensya ay natuto ng mahahalagang liksyon mula sa mga Cristianong nasa payak na buhay na mga itinuring ng mundo na mga di-nag-aral. Ngunit ang mga di-kilalang mga alagad na ito’y kumuha ng edukasyon sa pinakamataas sa lahat ng mga paaralan. Sila’y umupo sa mga paa Niyang nagsalita ng mga bagay na “Kailanma’y walang taong nagsalita nang gayon.” (Juan 7:46.)— The Desire Of Ages , pp. 250, 251. PnL